Poetry in Filipino

Narito ang mga halimbawa ng mga tula sa Filipino o Tagalog.


  • Demolisyon

    Sa masikip na looban, Sing-init ng kape ang mga taong nababahala Lahat sila’y ‘di magkandaugaga- Taym-pers muna ang mga batang  Nagmumurahan sa pagtatakbuhan, Pati sila Chukoy na sumisistema’y nagpulasan, All-out tuloy sila aling Gema sa pagtsitsismisan Kumawala ang mga katanungang: “Puta, san tayo mapupunta n’yan?”

  • Utang

    Kukuwentahin ko kung ilang sinulid ang ginamit ko para ipinid ang aking bibig. Bibilangin ko kung ilang karayom ang nabali sa pagtahi ko ng aking labi. Bibilangin ko kung ilang lubid ang ginamit ko para posasan ang sariling kamay. Kung ilang bulak ang isiniksik ko sa aking mga mata. Para ipagpalit sa aking mga mata.…

  • Salaysay ng mga Hindi ko Sinali sa Opisyal na Ulat

    Nakakatuwa tuwing nabubunot ang pinagsisikapan mong kutkutin, tulad ng langib o ligaw na buhok. May iba’t ibang baon na panganib ang motorsiklo, ngunit hindi mo mababalutan ng proteksyon ang buong katawan nang hindi pinapagpalit ang kaluwagan ng paggalaw. Kinailangan kong habaan ang una kong hiwa. Madulas ang bakal sa bakal kapag napapadulas ang dalawa ng…

  • Pula ang Unang Kulay ng Bahaghari

    Bakla ay korona ng kamayay palasyo ng kalabit at titig ay katedral ng halik at pagtatalik bakla ay paghila sa dilim lihim muling panananalig na malulusaw ang damitng lungsod na may lason ang bibig bakla ay lohika ng pandama ay nanunuot sa mga eskinita ang iyong sugat ay parang lalaking kay daling mababasag bakla ay huwag humingi ng paumanhin sa aparador ay huwag matakot sa salamin bakla ay awra at barikadagandaat protesta ay hindi matahimikna ligayabakla ay rumarampasa mga lansangan kahit pagmamahal kahit dangalay pakikidigma bakla ay pag-asaat pagnanasa sa isa’t isa bakla ay nais…

  • Partes

    Kandila ang mga tinagpas na ilongPuto ang matang tinusok ng tinidor Magdiriwang tayo sa kaarawan ng diktador Sausage ang mga bitukang binuhol-buholBalloons ang mga ulong pinala’t pinalakol