Pantalon

Kapag sinusuong ko ang aking pantalon,muli kong inaaral kung paanong humakbang: unahin ang kaliwa;dahan-dahang kilalanin ang pagtaas-baba. Binabalikan ko rito ang mga yabagng aking mga kalaro. Naririnigang kaluskos at paghila sa gusot ng tela ang mga bulung-bulunganng aking mga kababata,tinatawag ang mga pangalan ng iba. Madalas, dito ako humihinto:namumulikat sa sikip.Pinalalaya ako ng gaspangng mga hibla sa suot…

Kapag sinusuong ko ang aking pantalon,
muli kong inaaral kung paanong 
humakbang: unahin ang kaliwa;
dahan-dahang kilalanin 
ang pagtaas-baba.

Binabalikan ko rito ang mga yabag
ng aking mga kalaro. Naririnig
ang kaluskos at paghila sa gusot ng tela 
ang mga bulung-bulungan
ng aking mga kababata,
tinatawag ang mga pangalan ng iba.

Madalas, dito ako humihinto:
namumulikat sa sikip.
Pinalalaya ako ng gaspang
ng mga hibla sa suot na damit.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *