Poetry

Affected Sectors

  1. Pusang Gala

But she’s got beautiful eyes, Mama!
My little boy points to the calico cat.
They glitter when it’s night
When they’re not oozing.
I agree, they’re sympathetic
Even honourable, battle-scarred,
The tips of her ears all shades of red
Raw pink rose burgundy maroon purple
Her tail, a broken stump,
Ugly and furless, raised and defiant;
She picks scraps from the neighbour’s drain.

Read More

Bakal Dos at Uno

Nakatulos ang kandila sa gilid ng eskinita
nag-iisa, lumuluha
sa lunan kung saan pinigtas ang hininga
ni Marta noong ?sang gabing malamig
ng lalaki?t unipormadong chimera

-waring binusalan at piniringan ng mga pitada ang langit naging bulag, pipi at bingi ang paligid
sa mga samo ng dalagang ina
na kung makakapagsalita lang sana
ang nagkalat na mani, kendi, balut at pugo sa tabi ni Marta
ay t?yak papayapa ang kanyang kaluluwa
o ang poste ng ilaw na nakatirik ?di kalayuan
sa malamig na?t matigas na bangkay ng kilalang binaliw ng bato
sa madilim na sulok ng Bakal Dos at Uno
na kung tutuusi?y nakasaksi kung paano sumabog ang kanyang ulo
na waring sa naapakang ipis-

makalipas ang ?sang gabi, may nakatulos muling kandila
mukang ?alang ding kabusugan ang Hari ng mga Chimera.

Oktubre 4, 2018

Lungsod Quezon, Maynila

Lawag

Kung paaalisin ay di kami payag,
Sa amin ang lupa?t sa amin ang bundok.
Lalabanan iyang kanilang pagpatag.

Nandito na kami mula bumagabag
Yaong Pinatubong poot na pumutok,
Kung paaalisin ay di kami payag.

Halos walang oras na di mapanatag
Pagkat tumalundos sa lupa ang lugmok,
Lalabanan iyang kanilang pagpatag.

May salaysay kami na di maihayag,
Kahit binusalan, ang wika ng tuktok:
?Kung paaalisin ay di kami payag!?

Kamao sa ulap ang aming kalasag
At sandantang tangan sa bagnos ng muok,
Lalabanan iyang kanilang pagpatag!

Araw na madilim ay magliliwanag
Kapagka sumabog ang aming himutok!
Kung paaalisin ay di kami payag,
Lalabanan iyang kanilang pagpatag!

9 Abril 2019
AKDA volume 5, KAMANDAG

Sa Kalsadang Puno Ng Pananagimsim

Sa kalsadang puno ng pananagimsim
Mula sa nalagot na mga pangarap,
Ang tao pag gabi?y kabang lumalakad.

Hindi maibiling ang mga paningin
At tanging liwanag ang inaapuhap
Sa kalsadang puno ng pananagimsim
Mula sa nalagot na mga pangarap.

At pag kumaluskos ang kutob sa dilim
Ay nagmamadali?t gustong makatakas,
Iwas maging laman ng mga pahayag.
Sa kalsadang puno ng pananagimsim
Mula sa nalagot na mga pangarap,
Ang tao pag gabi?y kabang lumalakad.

5 Abril 2019
RESBAK volume 5, RESBAK

Petsay Ma’y Bakwit Din

Tinawag kang Pula
pagkat nagnanais
ng karunungan at kalayaan,
katiwasayan at kapayapaan.

Sa guni-guni nila
pulang awit ang iyong dasal kay Manama,
hawak mong bolpe?y dugo ang tinta.

Bintang pang
bomba ang tanim mong petsay,
at riple ang tangan mong pambungkal.

Sa taniman mo ng gulay,       
sila?y nagpaulan ng bala,
nagdilig ng dugo?t
naghasik ng lagim.

Tinawag kang Pula
ngunit ika?y luntiang petsay?
kapwa mo bakwit,
binunot sa katatamnan
at inilagay sa pasu-pasuan
kasama ng kapiraso ng lupang tinubuan.

Nagpapalipat-lipat ng
pansamantalang kakapitang
hindi matawag na punlaan o tahanan.
Pagkat walang pagtahan
sa kapagalang dulot
ng ligalig at karahasan.

Paparating na ang araw
ng pagbalik sa lupang tinubuan.
Bala?t lagim na doo?y damong ligaw,
aanihin, kikiskisi?t
gagawing kadena?t kawing
nilang sa petsay tanging dulot ay bagyo?t dilim.