Tinawag kang Pula
pagkat nagnanais
ng karunungan at kalayaan,
katiwasayan at kapayapaan.

Sa guni-guni nila
pulang awit ang iyong dasal kay Manama,
hawak mong bolpe?y dugo ang tinta.

Bintang pang
bomba ang tanim mong petsay,
at riple ang tangan mong pambungkal.

Sa taniman mo ng gulay,       
sila?y nagpaulan ng bala,
nagdilig ng dugo?t
naghasik ng lagim.

Tinawag kang Pula
ngunit ika?y luntiang petsay?
kapwa mo bakwit,
binunot sa katatamnan
at inilagay sa pasu-pasuan
kasama ng kapiraso ng lupang tinubuan.

Nagpapalipat-lipat ng
pansamantalang kakapitang
hindi matawag na punlaan o tahanan.
Pagkat walang pagtahan
sa kapagalang dulot
ng ligalig at karahasan.

Paparating na ang araw
ng pagbalik sa lupang tinubuan.
Bala?t lagim na doo?y damong ligaw,
aanihin, kikiskisi?t
gagawing kadena?t kawing
nilang sa petsay tanging dulot ay bagyo?t dilim.

By Emman Lacadin

Emman Lacadin writes poetry and flash fiction in both Filipino and English. He is a student of Environmental Science at the Ateneo de Manila University and was a fellow for Tula at the 24th Ateneo Heights Writers Workshop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.