Tinawag kang Pula
pagkat nagnanais
ng karunungan at kalayaan,
katiwasayan at kapayapaan.
Sa guni-guni nila
pulang awit ang iyong dasal kay Manama,
hawak mong bolpe?y dugo ang tinta.
Bintang pang
bomba ang tanim mong petsay,
at riple ang tangan mong pambungkal.
Sa taniman mo ng gulay,
sila?y nagpaulan ng bala,
nagdilig ng dugo?t
naghasik ng lagim.
Tinawag kang Pula
ngunit ika?y luntiang petsay?
kapwa mo bakwit,
binunot sa katatamnan
at inilagay sa pasu-pasuan
kasama ng kapiraso ng lupang tinubuan.
Nagpapalipat-lipat ng
pansamantalang kakapitang
hindi matawag na punlaan o tahanan.
Pagkat walang pagtahan
sa kapagalang dulot
ng ligalig at karahasan.
Paparating na ang araw
ng pagbalik sa lupang tinubuan.
Bala?t lagim na doo?y damong ligaw,
aanihin, kikiskisi?t
gagawing kadena?t kawing
nilang sa petsay tanging dulot ay bagyo?t dilim.