Categories
Play

Labada

Mga Tauhan:                                                     

Gina               30s, naka-daster, may suot na kwintas na rosaryo

Tetay              30s, naka-long sleeves at palda, may balabal sa ulo

Badet              30s, naka-spageti strap at maikling shorts

Bireng            30s, naka-t-shirt at shorts na pang-basketball

Tagpuan:

            Batis sa Nagcarlan, Laguna

Panahon:

Sabado de Gloria, alas-siyete ng umaga

ANG DULA:

Pagbukas ng entablado ay makikita ang isang batis na walang tubig.

Papasok si Gina mula sa kanang bahagi ng entablado na may dala-dalang planggana na puno ng labahing damit.

Mapapahinto si Gina sa makikita. Luluhod. Magdadasal.

Papasok naman si Tetay mula sa kaliwang bahagi ng entablado na may dala-dala ring planggana na puno rin ng labahing damit.

Mapapansin ni Tetay ang walang tubig na batis na nasa gitna ng entablado.

TETAY          Diyos ko po!

Lilingon si Gina kay Tetay mula sa kabilang bahagi ng entablado.

GINA             Tetay!

TETAY          Gina!

Tatayo sa pagkaluhod si Gina.

GINA             Anong gagawin natin?

Sandaling katahimikan.

Lalapit si Tetay sa walang tubig na batis. Hahawak-hawakan niya ang mga bato.

GINA             Tetay!! Anong gagawin natin?

Dadampot si Tetay ng bato. Oobserbahan niya ito.

TETAY          Tawagin natin sila.

GINA             Sino? 

TETAY          Edi ang mga kasama natin. Nasaan na ba ?yung mga ?yun?

GINA             Sabado de Gloria ngayon. Siguro ay nagninilay-nilay pa.

TETAY          Ang sabihin mo pinagod na naman ng mga asawa nila kagabi kaya hindi na naman nagising nang maaga. Kailangan masabihan kaagad sila.

Dadampot ulit ng bato si Tetay. Ipagkukumpara niya ang mga bato.

GINA             Para namang hindi mo kilala ang mga tsismosa. Kapag nalaman ?to ng iba, kakalat na ?yan sa buong Nagcarlan.

Ibabalik ni Tetay ang mga bato sa kaniyang pinagkunan. Kukuha ulit ng bago.

TETAY          Edi maganda! Tulung-tulong tayo!

Aamuy-amuyin ni Tetay ang hawak-hawak na bato. Paulit-ulit siyang kukuha ng bato, pagkatapos ay ibabalik nang maayos sa lugar na pinagkunan.

GINA             Samahan mo na lang akong magdasal.

TETAY          Ilang beses ko nang ipinagdasal na mawala na ang hayok kong asawa, pero nandyan pa rin siya. Sana nga siya na lang ?yung nawala, hindi ?yung tubig.

GINA             Didinggin ng Diyos ang panalangin natin.

TETAY          ?Yung iba na lang ang yayain mong magdasal.

GINA             ?Yung mga ?yun, magdadasal? Sus!

TETAY          Oo naman. Sabi mo pa nga kanina nagninilay-nilay pa sila.

GINA             Kahit araw-araw pa silang magpenitensiya, tsismis pa rin ang hahanap-hanapin ng bibig nila. Kilala ko ang mga ?yun! Magpo-post lang sila n?yan sa Facebook para sa likes. Hindi rin sila magdadasal.

TETAY          Edi ipagdadasal tayo ng buong Pilipinas! Ayaw mo nun? Viral na tayo. Mas marami ka nang mahihikayat magdasal.

GINA             Gusto mo bang wala nang magpalaba sa?tin kapag kumalat na ?to? Talagang aagawin na ng mga laundry shop sa bayan ang mga suki natin sa palo-palo. Akala ko ba ayaw mong maging parausan lang?

TETAY          Malalaman at malalaman din naman ?to ng iba.

GINA             Kaya nga dapat solusyunan na natin bago pa kumalat.

TETAY          Pero kelangan nating humingi ng tulong.

May maririnig na ingay ng rumaragasang tubig.

Sandaling katahimikan.

TETAY          Narinig mo ?yun?

GINA             Ano namang bago sa huni ng mga ibon?

TETAY          Hindi eh. Parang hindi ibon ?yun.

Maglalakad papunta sa isang bahagi ng batis si Gina para kunin ang nakita niyang cellphone mula sa mga bato.

GINA             Ibon ?yun. Palagi namang meron nun dito. Alagad sila ng diyos.

TETAY          Parang iba ?yung narinig ko. Parang rumaragasang tubig.

Hahawak-hawakan ni Tetay ang lupa.

GINA             Nasaan ang tubig? Wala nga di ba?

Haharap si Gina kay Tetay na may hawak-hawak na cellphone.

GINA             Tetay, tignan mo ?tong nakuha ko. Kanino kaya ?to? Cellphone ba ?to? Ang gara ng hitsura! Mayaman siguro may-ari nito.

Oobserbahan ni Gina ang napulot na cellphone. Itatago niya ito sa bulsa.

TETAY          Huy, bakit mo binulsa?

GINA             Malay mo kay Badet ?yun.

Huhubarin ni Gina ang kwintas na rosaryo.

TETAY         Si Badet? Makakabili ng cellphone? Kahit maglaba ?yun buong taon, hindi pa kasya ?yun sa gan?yan kagandang cellphone.

GINA             Magdasal tayo. Ipagdasal natin ang cellphone na ito. Dasalin natin ang buong misteryo.

Maglalakad at maghahanap ng pwesto si Gina para magdasal.

TETAY          Kesa lumuhod ka d?yan. Kumilos ka na. Sabihan mo na sila. I-text mo. Baka mamaya, tayong dalawa pa ang sunod?

Hihinto si Tetay dahil sa dumaang malakas na hangin. Madudulas naman si Gina sa lumot at mabibitawan ang rosaryo.

Lalapitan ni Tetay si Gina.

TETAY          Bakit naman ganun ?yung hangin na ?yun? Parang malakas na alon?

GINA             Hindi ako pwedeng magkasugat ngayon.

TETAY          Ano ka ba? Galos lang naman ?yan.

GINA             Walang diyos ngayon!

TETAY          Tapalan mo ng bungang-ugat ng luya. Gagaling din ?yan.

GINA             Hindi na ?to gagaling.

TETAY          ?Yung anak ko nga, nagpatuli ng Sabado de Gloria noong nakaraang taon, gumaling naman. Buhay pa naman siya. Tuli ?yun ha, ?yung sa?yo galos lang.

Hindi sasagot si Gina. Titignan niya ang kaniyang galos. Lalapitan siya ni Tetay pero iiwasan niya ito.

Sandaling katahimikan.

Kukuha ng bato si Tetay malapit sa kaniyang kinauupuan. Ilalagay niya sa kaniyang kanang tenga.

Kukuha ulit siya ng isa pang bato para sa kaliwang tenga. Pipikit siya at pakikinggan ang mga bato.

Maya-maya ay makikitang mabibingi si Tetay sa pinapakinggan.

TETAY          Parang may humigop.

GINA             At sinong hihigop ng tubig sa batis?

Lalapitan ni Tetay si Gina. Pagkalapit ay bubulungan niya kaagad si Gina habang nagmamasid-masid sa paligid.

TETAY          Ang mga diwata.

GINA             Hindi naman totoo ?yan. Dun ?yun sa may talon. Hindi dito sa batis.

TETAY          Hindi ba?t taun-taon ay may kinukuha ang mga diwata?

GINA             2020 na, naniniwala ka pa rin sa mga diwata.

TETAY          Wala sigurong nagustuhang dayo o tiga-bayan, kaya tubig na lang ang kinuha. Sana nagtanong man lang ang mga diwata, kaya ko namang ibigay na lang sa kanila ang asawa ko. O kaya ako na lang ang kunin nila, para makatakas na ako sa mundong ?to.

Kukulog nang malakas.

GINA             Matakot ka sa mga pinagsasabi mo. Maging ang diyos ay hindi sumasang-ayon.

TETAY          Akala ko ba walang diyos ngayon, bakit siya nag-rereact?

GINA             Wala ring mga diwa-diwata!

TETAY          Nagpaparamdam sila. Minsan nga pinaglalaruan nila tayo.

GINA             Bakit ka naman nakikipaglaro sa mga engkanto?

TETAY          Itinutumba nila ?yung mga balde ng damit na nilalabhan natin.

GINA             Parang ?yung away nila Badet at Bireng nung nakaraan?

TETAY          Oo.

Pupunta si Tetay sa isang bahagi ng batis.

TETAY          Nakaupo ako banda dun. Kitang-kita ko. May naglalakad na babae banda rito. Akala ko dayo. Hindi ko kasi kilala.

Kunwaring kukuha ng balde si Tetay at aktong itatapon ang laman nito.

TETAY          Nagulat ako. Biglang itinumba nung babae ?yung labahin ni Badet.

GINA             Hindi siya nakita ni Badet?

TETAY          Hindi ko nga alam kung bakit ?di n?ya nakita.

GINA             Nako, galit na galit nun si Badet. Mga damit pa naman ?yun ng asawa niya. Babaunin sana sa konstraksyon. Ayun, nalagot si Badet pag-uwi.

TETAY          Pagkatapos, nagkatitigan kami nung babae. At bigla na lang siyang nawala.

GINA             Teka bakit si Bireng ang napagbintangan?

TETAY          Saktong nasa likuran kasi ni Badet si Bireng.

GINA             Hindi rin nakita ni Bireng?

Kukulog nang mas malakas kumpara sa kulog kanina.

Magliliwanag ang dulo ng entablado na nagsisilbing mas malalim na bahagi ng batis.

May lalabas na dalawang babae. Basang-basa ang kanilang mga damit.

BADET          Aray. Putang-ina, Bireng!

Dahan-dahang tatayo sina Badet at Bireng habang dumadaing sa sakit ng katawan.

BIRENG        ?Yung likod ko!

BADET          My neck. Putang-ina. Lumuluwa na ?yung dede ko.

BIRENG        Aray. Aray ko, Badet.

Hinahabol pa nina Badet at Bireng ang kanilang hininga.

BADET          Anong nangyari?

Mapapansin ni Badet na basang-basa sila ni Bireng.

BIRENG        Hindi ba pumunta tayo dito para maglaba? Bakit parang tayo ang binanlawan?

BADET          Umaapaw nun ang tubig dito sa batis. Pagkatapos nagkaroon ng isang strong na kulog, bigla na lang rumagasa ang tubig at tinangay tayo.

Titingin-tingin sa batis na walang tubig si Badet.

BIRENG        Pagkatapos? Anong nangyari sa tubig?

BADET          Magic. Putang-ina. Nawala?

GINA             Ay, ale? Mawalang galang lang ho.

Lalapit sina Tetay at Gina kay Badet at Bireng.

BIRENG        Sino kayo, girls?

Lalapit si Gina kay Badet at si Tetay kay Bireng. Tititigan nila ang isa?t isa.

BADET          May problema ba?

BIRENG        Teka, bakit ang daming puno dito? Nasaan na ?yung tulay?

TETAY          Bakit basang-basa kayo? Saan kayo galing?

BADET          Hindi mo ba narinig? Tinangay nga kami ng rumaragasang tubig.

TETAY          Anong tubig?

BADET          Bobo ka ba? Saang planeta ka galing?

TETAY          Saan galing ang tubig? May nakikita ka ba?

BADET          Putang-ina. Naghahamon yata ng away ?tong girlie na ?to ha.

Aawatin ni Gina si Tetay. May maririnig na rumaragasang tubig.

GINA             Diyos ko po. Nagagalit na naman ang Diyos. ?Wag na po tayong mag-away. Nagtatanong lang naman ho kami.

BIRENG        Hayaan niyo na, girls. Intindihin na lang natin. You know, mental health.

GINA             Atsaka bawal ho maligo ngayon, Sabado de Gloria. Bakit kayo naligo nang walang diyos!

BADET          Walang diyos!? Kaya pala naglabasan na naman ang mga adik!

GINA             Mga dayo po ba kayo rito? Saan ho kayo galing?

Itutulak ni Badet si Gina. Lalabas sa bulsa ni Gina ang cellphone na nakuha niya kanina.

BADET          Gago ?to ha. Hoy! ?Wag mo kaming madayo-dayo. Dito kami lumaki sa Nagcarlan. Kami pa ngayon ang dayo.

            Makikita ni Badet ang cellphone.

BADET          Putang-ina. Cellphone ko ?to ha? Bakit hawak mo ?to?

GINA             Napulot ko lang ho ?yan kanina.

            Aambahan ni Badet si Gina.

BADET          Magnanakaw ka, no? Matindi ka rin ha. Bulok na nga ?tong phone ko, susubukan mo pang nakawin.

Aawatin ni Bireng si Badet. Matutumba sila sa mararamdamang malakas na hangin.

TETAY          Ayan na naman ?yung hangin na parang malakas na alon.

BIRENG        Kelan pa naging gan?yan ka-strong ang hangin dito? Parang ?yung tubig lang kanina. Bakit puro bato dito?

GINA             Pasensya na ho. Napulot ko lang ho talaga ?yan. Dito ho kami pinanganak, kahit itanong niyo pa sa mga kapitbahay namin. Hindi ho ako ?magnanakaw.?

BADET          Dito sa Bunga? Dito kayo pinanganak?

GINA             Opo. Kami ?yung may-ari ng tindahan d?yan pag-akyat ninyo.

BIRENG        ?Yung katabi ng bilihan ng buko?

GINA             ?Yung bilihan po ng buko.

BIRENG        Oo nga, buko. ?Yung bilihan mismo ng buko.

BADET          Ano? Store nila ?yun eh (ituturo si Bireng). Gago ka ba?

GINA             Ay hindi ho. Pasensya na. Saglit lang ho at kakausapin ko lang ho ang kasama ko.

Hihilahin ni Gina si Tetay sa sulok ng entablado kung saan sumulpot si Badet at Bireng.

Oobserbahan ni Badet at Bireng ang mga bato. Makikita sa ekspresyon ng kanilang mga mukha ang pagtataka kung bakit wala nang tubig sa batis.

GINA             Ang gulo naman kausap ng mga ?to.

Lilingun-lingunin nina Gina?t Tetay sina Badet at Bireng.

TETAY          Sino ba talaga ?yang mga ?yan?

GINA             Patawarin na ako ng diyos at baka magkasala pa ako. Ipagpatuloy na lang natin ang pagdadasal bago pa ako makagawa ng kasalanan.

TETAY          Tiga dito raw sila?

GINA             Kilala mo ba sila?

TETAY          Ngayon ko lang sila nakita.

GINA             Ako rin.

TETAY          Hindi kaya pinaglalaruan na naman tayo ng mga diwata? Maganda sigurong iligaw dito ?yung asawa ko. Para hindi na siya makabalik.

GINA             Kelan ka ba titigil sa mga diwatang ?yan?

TETAY          Pwedeng dun na lang ako kung saan sila galing? Ayoko na kasing makita ?yung asawa ko.

GINA             Bahala ka sa gusto mo, Tetay. Sige, sumama ka sa mga diwatang ?yan.

TETAY          Paano mo ipapaliwanag na tiga dito sila pero hindi natin sila nakikita?

GINA             Baka ibang Bunga ?yung sinasabi niya.

TETAY          Paano kung nagkatawang-tao sila para paglaruan na naman tayo? Katulad ng kwento ko kanina.

GINA             Guni-guni mo lang ?yun. Hindi ka pa yata kumakain eh.

TETAY          Mga diwata ?yang mga ?yan. Sa huli, aalukin nila tayo na sumama sa kaharian nila. Ang sabi-sabi ng mga matatanda, nakatira raw sila sa gintong palasyo na maraming-maraming pagkain. Hindi ka magugutom. Wala pang asawang ituturing kang parausan.

GINA             Saglit. Nagkatawang-tao? Hindi kaya? mga demonyo sila?

TETAY          Oo. Demonyo talaga ?yung asawa ko.

GINA             Hindi, ?yung mga tinatawag mong diwata. Paano kung ipinadala sila ni Satanas? Alam niyang walang diyos ngayon kaya?t naghahasik siya ng kasamaan. Mga demonyo talaga!

TETAY          Maniwala ka sa?kin. Diwata ?yang mga ?yan. Siguro ay narinig nila ang usapan natin. Ngayon, nililito nila tayo dahil alam na natin na sila ang dahilan kung bakit nawala ang tubig dito.

Unti-unti ay lalapit sa kanila si Bireng.

GINA             Hindi. Demonyo ?yang mga ?yan! Diyos ko. Nasa impiyerno na ba tayo? Pinarurusahan na tayo ng diyos sa mga kasalanan natin!

BIRENG        Ano, okay lang ba kayo d?yan? Gusto niyo ba ng juice (diyos)? Nauuhaw ba kayo?

GINA             Ay, hindi. Ayos lang kami. (bubulong kay Tetay)Sabi ko sa?yo eh. Demonyo nga ?to. Ang sabi ko diyos, hindi juice. Tignan mo, wala silang kinikilalang diyos.

BIRENG        Gusto niyo ho ba ng makakain o kahit ano? Para makapag-isip naman kayo ng matino.

GINA             Ayos lang ho talaga kami. ?Wag na po kayong mag-abala.(bubulong kay Tetay)May dala ka bang holy water d?yan? Sasabuyan ko ?tong mga demonyong ?to.

Maririnig ulit ang kulog kasing hina lang nang nauna.

BIRENG        Kumukulog na naman. Baka kidlat naman ang tumama sa?tin.

Lalapitan ni Badet si Gina at Tetay.

BADET          Anong ginagawa ninyo dito?

TETAY          Maglalaba sana kami. Kaso pagdating namin dito, wala. Wala nang tubig.

BIRENG        Palagi ba kayong nandito?

TETAY          Tuwing sabado?t linggo.(bubulong kay Gina)Nagkukunwari pa siyang hindi niya alam na palagi tayong nandito. Marunong din palang umarte ang mga diwata.

            Magbibilang si Bireng.

BIRENG        Sabado at Linggo? Ibig sabihin, twice a week kayo nandito?

TETAY          Tama ho ?yan.(bubulong kay Gina)Tignan mo, binilang pa talaga n?ya. Pakinggan natin ?yung pagbibilang baka hipnotismo ?yan, malay mo dalhin na nila tayo sa kaharian nila. Wala naman sigurong asawang hayok dun!

GINA             Saglit, baka marinig ka nila.

BADET          Kung palagi kayong nandito, anong meron? Bakit hindi tayo nagkikita?

Maririnig ulit ang mas malakas na kulog katulad nang pangalawa kanina.

Magliliwanag ulit ang bahagi kung saan nanggaling si Badet at Bireng.

Sa sobrang liwanag ng lugar ay hindi mapapansing nawala na si Gina at Tetay.

BIRENG        Anong nangyari?

BADET          Putang-ina. Okay ?yung tinira ko kagabi ha. Hanggang ngayon, high pa rin ako.

BIRENG        Saan sila napunta?

            Sandaling katahimikan

BADET          Bangag pa rin ba ako hanggang ngayon? Hindi pwede. Kailangan ko pang maglaba. Lagot na naman ako nito sa mister ko eh.

Lalapitan ni Bireng ang bahagi ng batis na nagliwanag.

BIRENG        Napunta tayo dito pagkatapos tayong tangayin ng tubs. Basang-basa tayo nun. Ngayon, bigla naman silang nawala. Kanina, alam ko umaapaw ang tubs. Ngayon, bigla naman ?tong nawala!

BADET          Naniwala ka naman? Baka nga mga adik din ?yung mga ?yun eh. Para ngang kilala ko ?yung isa dun eh.

BIRENG        Pero paano mo ipapaliwanag ang nakita nating liwanag?

BADET          Isa lang ang paliwanag ko d?yan. Basta adik ka, lahat ng madilim? magliliwanag!

BIRENG        Pero bakit ako nakita ko?

BADET          ?Wag mong sabihin na nag-aadik ka rin? Nahawa ka na rin sa asawa mo ?no? Ang galing talaga ng asawa ko, no? Ginawa na niyang adik ang buong barangay.

Aamuy-amuyin ni Badet ang mga bato.

BIRENG        Hindi, no! Alam mo bang kung ano-ano ang pinaggagawa sa?kin ng asawa ko kapag nakakagamit s?ya. Iniimpluwensiyaha n?yo kasi ng asawa mo.

BADET          Sus! Ang dami mong sinabi. Ikaw din naman ang nasasarapan.

Uupo si Badet. Aamuyin naman niya ngayon ang mga buhangin.

BIRENG        Ikaw nga ?di ba, sinasaktan ka na ng asawa mo?

BADET          Bakit hindi mo hiwalayan?

BIRENG        Paano ?yung mga anak ko? Ikaw, bakit hindi mo layasan ?yang asawa mong adik? Wala naman kayong anak?

BADET          Wala naman kasi akong pupuntahan. Nagtitiis na lang ako. Kung meron lang, bakit hindi?

            Sandaling katahimikan

BADET          Magtapat ka nga. Hindi ka ba nagtataka sa sinabi nung isa? Dun daw siya nakatira sa tindahan niyo? May iba bang babae ang asawa mo? Hindi mo sinasabi sa?min? Akala ko humihithit lang siya, babaero rin pala.

BIRENG        Kung dun siya sa?min nakatira, dapat kilala ko siya. Hindi pa naman umabot sa ganung punto ?yung asawa ko. Subukan lang n?ya. Lalayasan namin s?ya ng mga anak n?ya.

BADET          Hindi eh. Parang nakita ko na ?yung girlie na ?yun. Alam ko na, dun ?yun nakatira sa tabi n?yo, kela Gina. Oo. Tama! Dun kela Gina ?yun!

BIRENG        Kapitbahay namin? Parang wala namang nakukwento si Gina.

BADET          Hindi. Kapatid ?yun ni Gina. ?Yung tinali nila kasi nabaliw? Di nila pinapakita sa mga tao.

Kukuha si Badet ng bato na puno ng lumot. Tatanggalin niya ang lumot gamit ang isa pang bato.

BIRENG        ?Yun ba ?yung umiiyak tuwing gabi?

BADET          Oo. Ang tsismis, napagsamantalahan daw ng asawa. Inuwi nila d?yan galing Maynila noong isang linggo kasi nga? nabaliw daw. Tinali na lang nila sa bahay.

BIRENG        Naku! Kawawa naman pala siya.

BADET          ?Wag kang maingay ha, sa?yo ko lang sasabihin ?to pero may kulungan pa nga ?yun sa loob ng bahay nila eh.

BIRENG        Para naman nilang tinuring na hayop ?yung tao.

BADET          Katulad ng ginawa sa kan?ya ng asawa n?ya. Naawa talaga ako nung first time kong nakita ?yun sa may bandang kusina nila. Kaya siguro nung nakawala, ayan, kung anu-anong ginagawa. Sana ?yung lalaki na lang ?yung kinulong nila.

BIRENG        Buti pa dun sa kapatid ni Gina, may awa ka. Sa sarili mo, hindi. Parehas lang naman kaya kayo ng sitwasyon.

            Hindi sasagot si Badet.

BIRENG        Kilala mo rin ba ?yung kasama niya?

BADET          Ewan ko. Baka katulad din niya, baliw.

BIRENG        Pamilyar sa?kin ?yung girlie na ?yun eh. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita at kailan.

May maririnig na ingay ng rumaragasang tubig.

Sandaling katahimikan

BADET          Ano ?yun?

BIRENG        Sabi nung girlie kanina, ibon.

BADET          Parang hindi naman ibon ?yun. Parang tubig? Pero nasaan?

BIRENG        Alam ko na kung saan ko nakita ?yung isa! Nagkita na kami dito!

BADET          Saan?

BIRENG        Dito mismo!

BADET          Labandera rin siya dito?

BIRENG        Oo. Pero isang beses ko pa lang siya nakita. Para siyang aparisyon nun kaya hindi ko kaagad naalala.

Pupunta siya sa isang bahagi ng batis kung saan niya nakita si Tetay na naglalaba.

Uupo si Bireng at aarteng maglalaba.

BIRENG        Naglalaba siya nun. Tapos tinitigan niya ako. Tumitig din ako.

BADET          Mas adik ka pa yata kesa sa?kin eh.

BIRENG        Tama! Siya ?yun! Nung ibinuhos ko na ang timba na puno ng labahin sa planggana, hindi ko alam pero nagulat siya.

BADET          Kung anu-ano nang nakikita mo. Mas nakakaadik yata ?yang ginagawa sa?yo ng asawa mo kaysa sa tinitira namin ng asawa ko.

BIRENG        Tapos bigla na lang siyang nawala.

BADET          Sige. Tama ?yan. Sama-sama tayong mag-adik.

BIRENG        Parang ?yung tubig dito sa batis, bigla na lang nawala.

BADET          Halika. Puntahan natin ?yung katabing bahay n?yo.

BIRENG        Paano natin pupuntahan? Wala na ?yung tulay.

BADET          Naku, sigurado ako. Pinaghahanap na ?yan. O baka nga mas gusto pa nila na makawala na lang at hindi na bumalik.

BIRENG        May nawawala. Meron ding pumapalit. Hindi kaya napunta ?yung tubig dun kung saan napunta ?yung dalawa kanina?

BADET          Wow. Pati ?yung tubig nag-aadik.

BIRENG        Hindi pwedeng malaman ?to ng iba.

BADET          Bakit? Hindi naman yata ako sang-ayon d?yan.

BIRENG        Hindi nga natin alam kung nasaan tayo. Parang hindi naman ?to Nagcarlan.

BADET          Iisa lang naman ang Nagcarlan sa buong Pilipinas.

BIRENG        Malay mo, may iba pang mundo. Hindi natin nakikita.

BADET          Kung ano man ang tinitira n?yo ng asawa mo, bahala ka d?yan. Basta kung totoo man ?yang sinasabi mo, ipaalam natin sa buong bansa. Pwede nating pagkakitaan ?to, ?di na tayo maglalaba.

BIRENG        ?Wag. Ang kailangan nating gawin ay bumalik dun sa rumaragasang tubig.

May dadaang malakas na hangin.

BADET          Parang umaagos na tubig ?yung hangin.

BIRENG        Nandito lang din ?yung tubig. Pero hindi natin nakikita.

BADET          Sayang, nasira lang ?tong cellphone ko. Kung ayos lang ?to, kanina ko pa ?yan na-post. Ang daming likes kaagad n?yan. #SavetheRiver or 1 Like 1 Prayer for the River. Alam ko na, #SanaALLRiver, pwedeng mawala.

BIRENG        Ang kailangan nating gawin ay alamin kung paano bumalik?

BADET          Kapag nalaman na ?to ng buong Pilipinas, mababalita tayo sa 24 Oras at TV Patrol! Iinterbyuhin tayo nun!

BIRENG        Kung may paraan para mapunta dito, may paraan din para makaalis.

BADET          Sisikat na tayo! Makikita na tayo sa TV! Babayaran nila tayo. Magiging artista tayo, pwede na tayong maging senadora. Goodbye, labada!

            May maririnig na kulog.

BADET          Ayan na naman ulit ?yung kulog.

Pupuntahan ni Bireng ang lugar kung saan sila nanggaling ni Badet at kung saan nawala sina Gina at Tetay.

BIRENG        Dalian mo. Pumunta ka dito.

BADET          Anong gagawin natin d?yan?

BIRENG        Maghintay tayo dito. Kailangan nating makabalik.

            Sandaling katahimikan.

BIRENG        Ano na? Badet? Tara na. 

            Hindi iimik si Badet.

BIRENG        Dalian mo?

BADET          Totoo bang nasa ibang mundo tayo?

BIRENG        Biglaan lang ?yun.

BADET          Dito na lang ako.

BIRENG        Ha?

BADET          Kung totoong nasa ibang mundo tayo, iwan mo na lang ako.

BIRENG        Anong pinagsasabi mo?

BADET          Ayoko nang umuwi. Wala naman akong sariling bahay dun sa?tin.

BIRENG        ?Wag ka ngang mag-joke.

BADET          Kung nandito tayo sa ibang mundo, makakapag-simula ulit tayo. Hindi na natin kailangang makulong sa mga asawa natin.

            Sandaling katahimikan.

BIRENG        Sure ka ba?

BADET          Hindi na tayo magiging parausan. Ayaw mo ba nun?

BIRENG        Gusto.

BADET          Dito na lang siguro ako.

BIRENG        Kinakabahan ako.

BADET          Wala naman akong anak.

BIRENG        Baka lalong magalit ang asawa mo. Anong sasabihin ko?

BADET          Hayaan mo na s?yang mabaliw kakahanap. Hindi ko na naman siya babalikan.

BIRENG        Kung wala lang siguro akong mga anak?

BADET          Dalian mo na. Maya-maya ay may liwanag ulit hanggang sa?

Maririnig ulit ang mas malakas na kulog katulad nang pangalawa kanina.

Magliliwanag ulit ang isang bahagi ng batis. Sa sobrang liwanag ay hindi mapapansing nawala na si Bireng. Maiiwan si Badet.

Makikitang si Gina lang ang nakabalik. Basang-basa. Nanghahabol ng hininga. Lilingon-lingon sa paligid.

GINA             Tetay? Diyos ko po. Si Tetay! Nasaan si Tetay!

            Lalapit si Badet. Pupunasan ang basang-basang si Gina.

Unti-unting magdidilim ang entablado.

By Andrew Bonifacio Clete

Andrew Bonifacio L. Clete obtained his degree of Bachelor of Arts/ Bachelor of Secondary Education Major in Literature from Philippine Normal University. He is pursuing Master of Fine Arts in Creative Writing at De La Salle University?Manila. He was a fellow for Drama in 13th Ateneo National Writers Workshop, a fellow for Fiction in 9th Palihang Rogelio Sicat, workshop fellow for 2016 Virgin LabFest Fellowship Writing Program, a Grant Recipient for Drama in Bienvenido N. Santos Creative Writing Mini-Grant 2018, and a fellow for Henry Lee Irwin SJ Chair Creative Writing Workshop for Theater Adaptation. He is also a member of The Writer?s Bloc.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *