Fiction

They Don’t End Up Together

i.

You meet Cecilia at the open bar behind the large red bookstore on Mango, as all young adult horror stories go. Simon motions her forward towards you with the front of his ‘baby bump’, as he jokingly calls it, against her back. “Late na pud ka! Ana biya ko seven-thirty,” Simon says as he pulls her to the high metal table you were all convened at together. Her hair sways from side to side at the light force, across the middle of her back like a broom. you wonder if the way it looks is a product of rebond or not. “Si kuan diay, guys, Celia,” says Simon with his chest, and you pray that the way his eyes travel from you to her then back at you aren’t a hint of some nefarious gay plan as he says, “Celia, si I—” 

The strobe lights flashing all over the place are barely helpful like the surely-not-roofied drinks they serve, and the generic inspired-by-the-Chainsmokers-but-reloaded music they play that straight people eat up. At least you can see she has big wide eyes, framed by thick winged eyeliner and perfectly arched eyebrows, with her lips colored in a dark lipstick that changes color depending on the hue of the lights at the second—pink, blue, orange, pink, blue…

Read More

Paruparo

[Pagsipsip ng Nektar]

Madaling-araw na pero nananatili kaming naghahanap ng matutulugan at matitigilan nang matagal. Lasing na naman ako kasama ang isang taong nakainuman ko sa The Site, isang inumang pangmasa sa Binangonan. Marco P. ang pangalan niya. Nagtanong kami sa may Family House, isang hotel sa may Pag-asa, ngunit puno na daw ang lahat ng kwarto. Naglakad pa ulit kami hanggang sa nakapunta kami sa may gilid ng Atelier. Tamang-tama at walang nakakakilala sa amin dito dahil pareho kaming taga-Binangonan. Pumasok kami sa loob at nagtanong kung magkano ang 6 hours. Tamang-tama rin at may natira pang isang libo sa wallet ko. Pambayad sa kwarto at ang sukli, pambayad kay Marco. 

Sanay na ako sa ganitong mga kalakaran. Kapag nalalasing, humahanap ng laman. Para akong manananggal na hindi mapakali at kailangang lumipad nang lumipad hanggang sa makatagpo ako ng mabibiktima. Siguro nga, manananggal ako. Salamat at may kaibigan akong baklang kagawad, isang dating manananggal na ang mga biktima ay kabataan. Hindi maaaring mawala sa aking bulsa ang mga nakabalot sa foil na galing sa center. Isang box ng condom. Tatlong piraso para sa isang linggo. Maigi na ang sigurado.

Read More

Pag-alala kay Jose Garcia Villa

Madalas akong nakikitulog sa bahay ng tiyahin ko sa katabing siyudad ng Hamilton. Mas malaki ito, at para sa mga kadalasang mas may kayang taga-Burlington, mas magulo. Steel industry ang nagpalago sa Hamilton sa umpisa ng ika-20 na siglo, at dahil sa ina-outsource na ito sa labas ng Canada sa umpisa ng ika-21 na siglo, parang may identity crisis ang siyudad. Kung dadaan ka sa Burlington Skyway makikita mo sa kanan ang mga magkakatabing pabrika ng bakal sa dulo ng Hamilton Bay, ang ilan may lumalabas pang apoy o usok sa mga smokestack. Kuwento ng isang kakilala ko, ito daw ang dahilan bakit hindi siya naliligo sa Lake Ontario. Malapit sa industrial district ang mga lugar kung saan nagtipon ang mga imigranteng Portuguese at Ukrainian at nagsimula ng bagong buhay. May ilan pang mga maiingay na grocery at karinderya pero unti-unti na rin pumapasok ang mga sosyal na coffee shop at art gallery. Mas maliwanag na rin ang mga poste ng ilaw sa gabi.

Sa siyudad na ito nakakuha ng bahay ang Tita Ping ko kasi ‘di hamak na mas mura pa rin ang presyuhan dito. Sinubukan din nilang makahanap ng bahay na medyo malayo sa downtown, kasi nga madalas ang gulo. Sa East End sila nakakita. Maraming Pinoy ang nakatira sa Hamilton, parehong sa sentro at sa mga laylayan nito, kahit na nagtatrabaho sila sa mga nursing homes at tagalinis ng mga bahay sa mga suburban na siyudad tulad ng Burlington. Mga bente minutong drive, o isa’t kalahating oras kung i-commute. Dahil sa haba ng byahe, halos hindi ko pupunta sa bahay nila Ta Ping na mag-isa. Hinihintay ko muna matapos ang shift niya sa gabi, saka magpapadaan sa apartment. 

Read More

Kuya Macoy

I stood there, leaning on the stone guardrail of the unfinished road by the sea, water crashing upon the seawall, sky transitioning into a burst of hues – peach, cherry, flame. The deteriorating, faux gold replica of Michelangelo’s David stood proudly behind me; his eyes towards the horizon, perhaps watching me, too. I reminisced the countless times I had seen the blood flow from my flesh, from every notch of the blade marking every day and degree of suffering. In the ninth grade, it started with a couple of shallow ones just because of a petty argument about failing grades, thin as a strand of hair, yet it stung like a papercut. Slowly, I grew accustomed to seeing my own blood out of my veins as though it were never meant to be kept in.

         I imagined death to be a dream, but not because I believed in a heaven or reincarnation. It was a dream because it was nothingness. It was freedom from a world that always had something. I wanted to escape the world that was slowly being consumed by fire. The same one from which all civilization began. The plight of people hopelessly toiling in a system that let the rich buy hectares of land for revenue while everyone else could barely pay rent or witness their makeshift houses torn down for business or estates became mine, too. The woes of others burdened me. I heard them, looked them in the eyes, with my dull eyes. Sad, hopeless eyes.

         I thought that nothing could be done to save us.

Read More

Kung Pwede Lang

Paubos na ang laman ng long neck na Emperador pero hindi pa rin nagkikibuan sina France at Noel. Nag-aabutan lang sila ng tagay. Nagpapalitan ng tingin at nagsasagutan ng buntong-hininga. Sa labas ng isang maliit na patamaran, nakapagitan sa kanila ang isang maliit na mesa kung saan nakapatong ang mangkok ng halos hindi nagalaw na tokwa’t baboy. Sa ilalim ng mesa ay nagkalat naman ang upos at filter ng sigarilyo. Paubos na ang isang kahang dala ni France.

Tahimik lang din na nakatunghay ang puno ng palapat sa likuran ng dalawang binata. Bihira ang dumadaang bangkang de-motor. Walang imik ang itim na asong alaga ng tatay ni Noel; busog marahil sa napanis na kanin na hinaluan ng simi ng inihaw na bangus.

Pangkaraniwan naman ang ganitong katahimikan sa maliit na palaisdaan nila Noel. Ngunit nakapagtatakang tila mas nakabibingi ang kawalang ingay noong hapon na iyon.

Read More