Sa masikip na looban,
Sing-init ng kape ang mga taong nababahala
Lahat sila’y ‘di magkandaugaga-
Taym-pers muna ang mga batang
Nagmumurahan sa pagtatakbuhan,
Pati sila Chukoy na sumisistema’y nagpulasan,
All-out tuloy sila aling Gema sa pagtsitsismisan
Kumawala ang mga katanungang:
“Puta, san tayo mapupunta n’yan?”
Nang ilabas ni Manong Engineer ang panukat,
Tantiyadong-tantiyado ang mga mauulilang tahanan
Pumalahaw ang iyakan, murahan
Tiyak nanaman ang hantungan
Sa madugong labanan.
This literary piece is part of Katitikan Issue 3: (Re) Imaginations.