Madalas sumasang-ayon sa hinuha ng ina ang panganib ng takipsilim Kaya nasanay siyang sumangguni Sa kutob at hinahayaang Magdabog ang nalalabing tiwala Sa kanyang dibdib Binabagalan niya ang novena at hinihila ang oras sa hawak na rosaryo:
Si Liberty Notarte Balanquit ay isang guro sa Departamento ng Humanidades, UPLB. Naging Fellow siya ng Palihang Rogelio Sicat 5 noong 2012. Nagwagi siya ng Ikalawang Gantimpala (Tula) sa Kauna-unahang Gawad Rogelio Sicat noong 2016. Ang kanyang kinalakhang bayan ng Las Navas sa Northern Samar ang kadalasang tema ng kanyang mga isinusulat na akda. Noong 2011, binuo niya ang malikhaing awtput na ?Pagdomdom: Pagbalik sa Las Navas?, isang koleksyon ng mga akdang isinulat sa Waray at isinalin niya rin sa Filipino. Para sa kanya, ang Las Navas ay isang metaporang naghihintay ng pag-usal.