Categories
Poetry

Heometriya ng lungkot

1

kwadrado
ang hugis ng lungkot;

ang dingding
na namamagitan sa atin.
ngunit anong hugis
ang hinuhulma ng ating palad
sa panahong yakap natin
ang ating sarili, namamaluktot
sa higaan, pilit na ikinukuyom
ang lahat ng hindi
maaaring sambitin?

Categories
Poetry

Biyaya ng kutob

Madalas sumasang-ayon
sa hinuha ng ina
ang panganib ng takipsilim
Kaya nasanay siyang sumangguni
Sa kutob at hinahayaang
Magdabog ang nalalabing tiwala
Sa kanyang dibdib
Binabagalan niya ang novena
at hinihila ang oras
sa hawak na rosaryo:

Unang Misteryo ng Galak.