Noon, ang mga ninuno nati?y nagdarasal
kay Bathala kapag mayroong matinding tagtuyot
o unos na gumagambala sa nayon;
kaya?t nag-alay sila nang mga awit at sayaw
sa buwan, mga puno?t araw upang masiguradong
maliligtas ang kanilang buong siyudad
laban sa mga sakuna.

Taos-puso silang nagtiwala
sa mga agam-agam at hindi nakikita ?
sa mga elemento?t haka-hakang
walang kasiguraduhan
ang kapayapaan.

Ngayon, patuloy kaming umaasa
na maisasalba pa ang mga pananim
at halaman naming pilit dinaraan
ng kung anong delubyong
hindi naman galing sa kalikasan.

Nagbibitak-bitak na ang aming balat
kasabay ng lupang sinasaka.
Ngayo?y tag-gutom sa aming lugar
na kung saan marapat yumabong
ang mga ani?t pananim,
na kami ang nagtanim, ngunit hindi makain
nang sariling mga bibig.

Kaya?t sinunod ko ang siste ng ating mga ninuno:
nagdasal ako kay bathala?t umawit ng kanta
ngunit ang ritmo ay pasigaw. Naghain ng mga sayaw
ngunit palusong ang mga paa.

Ang hiniling ko?y umulan
upang hindi na gamiting pandilig
ang aming mga luhang gabi-gabi na lamang iniigib ?
ngunit walang panginoong nakinig
sa amin pagtitiis.

Hanggang sa dumating ang panahon ng tag-ulan.
Kay tindi. Kay rahas. Kay saklap.
Ang hiniling ko?y hindi ganito:
ngunit nadiligan naman ang aming sakahan,
gamit hindi tubig, kundi ang sarili
kong dugo.

By Andre Gutierrez

Si Andre Gutierrez ay isang 1st year BS Economics student mula sa San Beda University ? Manila at manunulat mula Quezon City. Siya?y naging fellow ng LIRA Poetry Clinic para sa taong 2018 at lumahok rin siya sa 2nd Creative Writing workshop and contest ng HAMAKA Pilipinas na ginanap sa Far Eastern University Manila. Kamakailan, natanggap siya bilang fellow para sa tula sa Angono National Writers Workshop at Cavite Young Writers Workshop. Miyembro rin siya ng Baon Collective at Haraya: Mga Manunulat na Malaya.

One thought on “Ang Hiniling Ko’y Umulan”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.