Ang Hiniling Ko’y Umulan

Noon, ang mga ninuno nati?y nagdarasal
kay Bathala kapag mayroong matinding tagtuyot
o unos na gumagambala sa nayon;
kaya?t nag-alay sila nang mga awit at sayaw
sa buwan, mga puno?t araw upang masiguradong
maliligtas ang kanilang buong siyudad
laban sa mga sakuna.

Taos-puso silang nagtiwala
sa mga agam-agam at hindi nakikita ?
sa mga elemento?t haka-hakang
walang kasiguraduhan
ang kapayapaan.

Ngayon, patuloy kaming umaasa
na maisasalba pa ang mga pananim
at halaman naming pilit dinaraan
ng kung anong delubyong
hindi naman galing sa kalikasan.

Nagbibitak-bitak na ang aming balat
kasabay ng lupang sinasaka.
Ngayo?y tag-gutom sa aming lugar
na kung saan marapat yumabong
ang mga ani?t pananim,
na kami ang nagtanim, ngunit hindi makain
nang sariling mga bibig.

Kaya?t sinunod ko ang siste ng ating mga ninuno:
nagdasal ako kay bathala?t umawit ng kanta
ngunit ang ritmo ay pasigaw. Naghain ng mga sayaw
ngunit palusong ang mga paa.

Ang hiniling ko?y umulan
upang hindi na gamiting pandilig
ang aming mga luhang gabi-gabi na lamang iniigib ?
ngunit walang panginoong nakinig
sa amin pagtitiis.

Hanggang sa dumating ang panahon ng tag-ulan.
Kay tindi. Kay rahas. Kay saklap.
Ang hiniling ko?y hindi ganito:
ngunit nadiligan naman ang aming sakahan,
gamit hindi tubig, kundi ang sarili
kong dugo.