kamatis march

araw-araw siyang nagmamartsasa tapat ng bahay namin nakasampay ang sako sa likuranhabang inuusisa ang aming basurahan sa kung ano mang maglilikassa bagyo ng kanyang gutom boteng pambenta o mgapapel o bakal na maipakikilo pa. minsan akong nagpatalo sa awa’tkonsensya: nag-iwan ng tatlong pisong barya sa tabi ng kalkalan, suklisa sinakyang traysikel tinitigan niya ito, at…

araw-araw siyang nagmamartsa
sa tapat ng bahay namin

nakasampay ang sako sa likuran
habang inuusisa ang aming

basurahan sa kung ano mang maglilikas
sa bagyo ng kanyang gutom

boteng pambenta o mga
papel o bakal na maipakikilo pa.

minsan akong nagpatalo sa awa’t
konsensya: nag-iwan ng tatlong pisong

barya sa tabi ng kalkalan, sukli
sa sinakyang traysikel

tinitigan niya ito, at hindi ginalaw
habang isa-isang dinadampot

at pinapagpag ang mga padurog
at pabulok nang kamatis nawalang-panghihinayang kong
itinapon kaninang umaga.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *