Poetry in Filipino

Narito ang mga halimbawa ng mga tula sa Filipino o Tagalog.


  • Ang Mga Hindi Nakarating

    Kinukulog ng makulimlim na langitang tambol ng sikmura, at sa ulol niyang paghiraya,ang bawat dagundong ay katoksa pinto ng puwedeng dulugan habang nag-aabang sa ayudang tulad ni Godot,tatawag siya sa misis na nahimpil sa siyudad.Sinusubukang tumawid ng mga tinig sa selpon,yaring mga kinurakot na kumustahan,mga lata ng kuwentuhang napanis at nais ipainit,mga sobra sa hinog nang…

  • Wika ng Pagdamay

    Nais kong manangis kasama mo, ilapag muna ang ngiti ko hindi para palitan ang iyokung hindi upang paliparin doon sa buwanat masuklayan ka nito ng hiram na sinag, kasama ng mga bituing umutang muna  ng ningning sa aking mga balintataw.Isasangla ko muna ang indayog ng aking paa(dalawa naman yata silang kaliwa) upang maging yanig ng lupa at yayaing pumanaog…

  • Tiket

    Lagi na lang naiiwan Ang pilas mo sa upuan, ‘Di kaya naman nakadungaw ka  Sa binta pagkatapos maging ebidensya. Tangay-tangay ka ng panahon- Sa pagmulat ng umaga At pagkaagnas ng gabi. Nakikilala mo ang bawat Mukha ng paglalakbay,     Pagbabasakali, At panghihinayang. Nadarama mo ang gaspang na  Nanunuot sa palad ng mga pauwi At…

  • Stay at Home

    Lumikha ng ubo ang singawNg gabi. Nalasahan niyaAng kamaong inereseta ng asawaSa kaniyang mukha.Malansa ang hininga ng dugoSa ilalim ng ilong n’yang bali.May bubog ng pinag-ipunang Salamin sa sahig, kaya tilaKumikindat ang liwanagSa kaniyang mga sugatNa dati na ring pinamahayanNg mga lumayas na gasgas.Parang nilaro ng ipu-ipoAng buhok n’yang ‘di na maalagaan.Pinipitas niya ang mga ngipingSumambulat…

  • Sa May Divisoria

    Nauna na kaming bitbitin ang mga bagahe ng pangamba sa may bangketa. Sa Divisoria kung saan nanahan ang mga gunita-   Nang minsang dinidikdik ng mga puwersa, itinaboy na parang mga peste  sa malinang na kabukiran nilimas, nilampaso wika nila’y: mga sagabal sa daan.