Nauna na kaming bitbitin
ang mga bagahe ng pangamba
sa may bangketa. Sa Divisoria
kung saan nanahan ang mga gunita-
Nang minsang dinidikdik
ng mga puwersa,
itinaboy na parang mga peste
sa malinang na kabukiran
nilimas, nilampaso
wika nila’y:
mga sagabal sa daan.
Matagal mo nang binaybay
ang kahubdan ng lungsod.
Ngayong ika’y iniluklok,
bakit wika nila’y wika mo na rin?
Nailathala sa antolohiyang “Lakbay: Mga Tulang Lagalag” ng 7 Eyes Productions, OPC, August, 2020
This literary piece is part of Katitikan Issue 3: (Re) Imaginations.