Mga Tauhan:
Gina 30s, naka-daster, may suot na kwintas na rosaryo
Tetay 30s, naka-long sleeves at palda, may balabal sa ulo
Badet 30s, naka-spageti strap at maikling shorts
Bireng 30s, naka-t-shirt at shorts na pang-basketball
Tagpuan:
Batis sa Nagcarlan, Laguna
Panahon:
Sabado de Gloria, alas-siyete ng umaga
ANG DULA:
Pagbukas ng entablado ay makikita ang isang batis na walang tubig.
Papasok si Gina mula sa kanang bahagi ng entablado na may dala-dalang planggana na puno ng labahing damit.
Mapapahinto si Gina sa makikita. Luluhod. Magdadasal.
Papasok naman si Tetay mula sa kaliwang bahagi ng entablado na may dala-dala ring planggana na puno rin ng labahing damit.
Mapapansin ni Tetay ang walang tubig na batis na nasa gitna ng entablado.
TETAY Diyos ko po!
Lilingon si Gina kay Tetay mula sa kabilang bahagi ng entablado.
GINA Tetay!
TETAY Gina!
Tatayo sa pagkaluhod si Gina.
GINA Anong gagawin natin?
Sandaling katahimikan.
Lalapit si Tetay sa walang tubig na batis. Hahawak-hawakan niya ang mga bato.
GINA Tetay!! Anong gagawin natin?
Dadampot si Tetay ng bato. Oobserbahan niya ito.
TETAY Tawagin natin sila.
GINA Sino?
TETAY Edi ang mga kasama natin. Nasaan na ba ?yung mga ?yun?
GINA Sabado de Gloria ngayon. Siguro ay nagninilay-nilay pa.
TETAY Ang sabihin mo pinagod na naman ng mga asawa nila kagabi kaya hindi na naman nagising nang maaga. Kailangan masabihan kaagad sila.
Dadampot ulit ng bato si Tetay. Ipagkukumpara niya ang mga bato.
GINA Para namang hindi mo kilala ang mga tsismosa. Kapag nalaman ?to ng iba, kakalat na ?yan sa buong Nagcarlan.
Ibabalik ni Tetay ang mga bato sa kaniyang pinagkunan. Kukuha ulit ng bago.
TETAY Edi maganda! Tulung-tulong tayo!
Aamuy-amuyin ni Tetay ang hawak-hawak na bato. Paulit-ulit siyang kukuha ng bato, pagkatapos ay ibabalik nang maayos sa lugar na pinagkunan.
GINA Samahan mo na lang akong magdasal.
TETAY Ilang beses ko nang ipinagdasal na mawala na ang hayok kong asawa, pero nandyan pa rin siya. Sana nga siya na lang ?yung nawala, hindi ?yung tubig.
GINA Didinggin ng Diyos ang panalangin natin.
TETAY ?Yung iba na lang ang yayain mong magdasal.
GINA ?Yung mga ?yun, magdadasal? Sus!
TETAY Oo naman. Sabi mo pa nga kanina nagninilay-nilay pa sila.
GINA Kahit araw-araw pa silang magpenitensiya, tsismis pa rin ang hahanap-hanapin ng bibig nila. Kilala ko ang mga ?yun! Magpo-post lang sila n?yan sa Facebook para sa likes. Hindi rin sila magdadasal.
TETAY Edi ipagdadasal tayo ng buong Pilipinas! Ayaw mo nun? Viral na tayo. Mas marami ka nang mahihikayat magdasal.
GINA Gusto mo bang wala nang magpalaba sa?tin kapag kumalat na ?to? Talagang aagawin na ng mga laundry shop sa bayan ang mga suki natin sa palo-palo. Akala ko ba ayaw mong maging parausan lang?
TETAY Malalaman at malalaman din naman ?to ng iba.
GINA Kaya nga dapat solusyunan na natin bago pa kumalat.
TETAY Pero kelangan nating humingi ng tulong.
May maririnig na ingay ng rumaragasang tubig.
Sandaling katahimikan.
TETAY Narinig mo ?yun?
GINA Ano namang bago sa huni ng mga ibon?
TETAY Hindi eh. Parang hindi ibon ?yun.
Maglalakad papunta sa isang bahagi ng batis si Gina para kunin ang nakita niyang cellphone mula sa mga bato.
GINA Ibon ?yun. Palagi namang meron nun dito. Alagad sila ng diyos.
TETAY Parang iba ?yung narinig ko. Parang rumaragasang tubig.
Hahawak-hawakan ni Tetay ang lupa.
GINA Nasaan ang tubig? Wala nga di ba?
Haharap si Gina kay Tetay na may hawak-hawak na cellphone.
GINA Tetay, tignan mo ?tong nakuha ko. Kanino kaya ?to? Cellphone ba ?to? Ang gara ng hitsura! Mayaman siguro may-ari nito.
Oobserbahan ni Gina ang napulot na cellphone. Itatago niya ito sa bulsa.
TETAY Huy, bakit mo binulsa?
GINA Malay mo kay Badet ?yun.
Huhubarin ni Gina ang kwintas na rosaryo.
TETAY Si Badet? Makakabili ng cellphone? Kahit maglaba ?yun buong taon, hindi pa kasya ?yun sa gan?yan kagandang cellphone.
GINA Magdasal tayo. Ipagdasal natin ang cellphone na ito. Dasalin natin ang buong misteryo.
Maglalakad at maghahanap ng pwesto si Gina para magdasal.
TETAY Kesa lumuhod ka d?yan. Kumilos ka na. Sabihan mo na sila. I-text mo. Baka mamaya, tayong dalawa pa ang sunod?
Hihinto si Tetay dahil sa dumaang malakas na hangin. Madudulas naman si Gina sa lumot at mabibitawan ang rosaryo.
Lalapitan ni Tetay si Gina.
TETAY Bakit naman ganun ?yung hangin na ?yun? Parang malakas na alon?
GINA Hindi ako pwedeng magkasugat ngayon.
TETAY Ano ka ba? Galos lang naman ?yan.
GINA Walang diyos ngayon!
TETAY Tapalan mo ng bungang-ugat ng luya. Gagaling din ?yan.
GINA Hindi na ?to gagaling.
TETAY ?Yung anak ko nga, nagpatuli ng Sabado de Gloria noong nakaraang taon, gumaling naman. Buhay pa naman siya. Tuli ?yun ha, ?yung sa?yo galos lang.
Hindi sasagot si Gina. Titignan niya ang kaniyang galos. Lalapitan siya ni Tetay pero iiwasan niya ito.
Sandaling katahimikan.
Kukuha ng bato si Tetay malapit sa kaniyang kinauupuan. Ilalagay niya sa kaniyang kanang tenga.
Kukuha ulit siya ng isa pang bato para sa kaliwang tenga. Pipikit siya at pakikinggan ang mga bato.
Maya-maya ay makikitang mabibingi si Tetay sa pinapakinggan.
TETAY Parang may humigop.
GINA At sinong hihigop ng tubig sa batis?
Lalapitan ni Tetay si Gina. Pagkalapit ay bubulungan niya kaagad si Gina habang nagmamasid-masid sa paligid.
TETAY Ang mga diwata.
GINA Hindi naman totoo ?yan. Dun ?yun sa may talon. Hindi dito sa batis.
TETAY Hindi ba?t taun-taon ay may kinukuha ang mga diwata?
GINA 2020 na, naniniwala ka pa rin sa mga diwata.
TETAY Wala sigurong nagustuhang dayo o tiga-bayan, kaya tubig na lang ang kinuha. Sana nagtanong man lang ang mga diwata, kaya ko namang ibigay na lang sa kanila ang asawa ko. O kaya ako na lang ang kunin nila, para makatakas na ako sa mundong ?to.
Kukulog nang malakas.
GINA Matakot ka sa mga pinagsasabi mo. Maging ang diyos ay hindi sumasang-ayon.
TETAY Akala ko ba walang diyos ngayon, bakit siya nag-rereact?
GINA Wala ring mga diwa-diwata!
TETAY Nagpaparamdam sila. Minsan nga pinaglalaruan nila tayo.
GINA Bakit ka naman nakikipaglaro sa mga engkanto?
TETAY Itinutumba nila ?yung mga balde ng damit na nilalabhan natin.
GINA Parang ?yung away nila Badet at Bireng nung nakaraan?
TETAY Oo.
Pupunta si Tetay sa isang bahagi ng batis.
TETAY Nakaupo ako banda dun. Kitang-kita ko. May naglalakad na babae banda rito. Akala ko dayo. Hindi ko kasi kilala.
Kunwaring kukuha ng balde si Tetay at aktong itatapon ang laman nito.
TETAY Nagulat ako. Biglang itinumba nung babae ?yung labahin ni Badet.
GINA Hindi siya nakita ni Badet?
TETAY Hindi ko nga alam kung bakit ?di n?ya nakita.
GINA Nako, galit na galit nun si Badet. Mga damit pa naman ?yun ng asawa niya. Babaunin sana sa konstraksyon. Ayun, nalagot si Badet pag-uwi.
TETAY Pagkatapos, nagkatitigan kami nung babae. At bigla na lang siyang nawala.
GINA Teka bakit si Bireng ang napagbintangan?
TETAY Saktong nasa likuran kasi ni Badet si Bireng.
GINA Hindi rin nakita ni Bireng?
Kukulog nang mas malakas kumpara sa kulog kanina.
Magliliwanag ang dulo ng entablado na nagsisilbing mas malalim na bahagi ng batis.
May lalabas na dalawang babae. Basang-basa ang kanilang mga damit.
BADET Aray. Putang-ina, Bireng!
Dahan-dahang tatayo sina Badet at Bireng habang dumadaing sa sakit ng katawan.
BIRENG ?Yung likod ko!
BADET My neck. Putang-ina. Lumuluwa na ?yung dede ko.
BIRENG Aray. Aray ko, Badet.
Hinahabol pa nina Badet at Bireng ang kanilang hininga.
BADET Anong nangyari?
Mapapansin ni Badet na basang-basa sila ni Bireng.
BIRENG Hindi ba pumunta tayo dito para maglaba? Bakit parang tayo ang binanlawan?
BADET Umaapaw nun ang tubig dito sa batis. Pagkatapos nagkaroon ng isang strong na kulog, bigla na lang rumagasa ang tubig at tinangay tayo.
Titingin-tingin sa batis na walang tubig si Badet.
BIRENG Pagkatapos? Anong nangyari sa tubig?
BADET Magic. Putang-ina. Nawala?
GINA Ay, ale? Mawalang galang lang ho.
Lalapit sina Tetay at Gina kay Badet at Bireng.
BIRENG Sino kayo, girls?
Lalapit si Gina kay Badet at si Tetay kay Bireng. Tititigan nila ang isa?t isa.
BADET May problema ba?
BIRENG Teka, bakit ang daming puno dito? Nasaan na ?yung tulay?
TETAY Bakit basang-basa kayo? Saan kayo galing?
BADET Hindi mo ba narinig? Tinangay nga kami ng rumaragasang tubig.
TETAY Anong tubig?
BADET Bobo ka ba? Saang planeta ka galing?
TETAY Saan galing ang tubig? May nakikita ka ba?
BADET Putang-ina. Naghahamon yata ng away ?tong girlie na ?to ha.
Aawatin ni Gina si Tetay. May maririnig na rumaragasang tubig.
GINA Diyos ko po. Nagagalit na naman ang Diyos. ?Wag na po tayong mag-away. Nagtatanong lang naman ho kami.
BIRENG Hayaan niyo na, girls. Intindihin na lang natin. You know, mental health.
GINA Atsaka bawal ho maligo ngayon, Sabado de Gloria. Bakit kayo naligo nang walang diyos!
BADET Walang diyos!? Kaya pala naglabasan na naman ang mga adik!
GINA Mga dayo po ba kayo rito? Saan ho kayo galing?
Itutulak ni Badet si Gina. Lalabas sa bulsa ni Gina ang cellphone na nakuha niya kanina.
BADET Gago ?to ha. Hoy! ?Wag mo kaming madayo-dayo. Dito kami lumaki sa Nagcarlan. Kami pa ngayon ang dayo.
Makikita ni Badet ang cellphone.
BADET Putang-ina. Cellphone ko ?to ha? Bakit hawak mo ?to?
GINA Napulot ko lang ho ?yan kanina.
Aambahan ni Badet si Gina.
BADET Magnanakaw ka, no? Matindi ka rin ha. Bulok na nga ?tong phone ko, susubukan mo pang nakawin.
Aawatin ni Bireng si Badet. Matutumba sila sa mararamdamang malakas na hangin.
TETAY Ayan na naman ?yung hangin na parang malakas na alon.
BIRENG Kelan pa naging gan?yan ka-strong ang hangin dito? Parang ?yung tubig lang kanina. Bakit puro bato dito?
GINA Pasensya na ho. Napulot ko lang ho talaga ?yan. Dito ho kami pinanganak, kahit itanong niyo pa sa mga kapitbahay namin. Hindi ho ako ?magnanakaw.?
BADET Dito sa Bunga? Dito kayo pinanganak?
GINA Opo. Kami ?yung may-ari ng tindahan d?yan pag-akyat ninyo.
BIRENG ?Yung katabi ng bilihan ng buko?
GINA ?Yung bilihan po ng buko.
BIRENG Oo nga, buko. ?Yung bilihan mismo ng buko.
BADET Ano? Store nila ?yun eh (ituturo si Bireng). Gago ka ba?
GINA Ay hindi ho. Pasensya na. Saglit lang ho at kakausapin ko lang ho ang kasama ko.
Hihilahin ni Gina si Tetay sa sulok ng entablado kung saan sumulpot si Badet at Bireng.
Oobserbahan ni Badet at Bireng ang mga bato. Makikita sa ekspresyon ng kanilang mga mukha ang pagtataka kung bakit wala nang tubig sa batis.
GINA Ang gulo naman kausap ng mga ?to.
Lilingun-lingunin nina Gina?t Tetay sina Badet at Bireng.
TETAY Sino ba talaga ?yang mga ?yan?
GINA Patawarin na ako ng diyos at baka magkasala pa ako. Ipagpatuloy na lang natin ang pagdadasal bago pa ako makagawa ng kasalanan.
TETAY Tiga dito raw sila?
GINA Kilala mo ba sila?
TETAY Ngayon ko lang sila nakita.
GINA Ako rin.
TETAY Hindi kaya pinaglalaruan na naman tayo ng mga diwata? Maganda sigurong iligaw dito ?yung asawa ko. Para hindi na siya makabalik.
GINA Kelan ka ba titigil sa mga diwatang ?yan?
TETAY Pwedeng dun na lang ako kung saan sila galing? Ayoko na kasing makita ?yung asawa ko.
GINA Bahala ka sa gusto mo, Tetay. Sige, sumama ka sa mga diwatang ?yan.
TETAY Paano mo ipapaliwanag na tiga dito sila pero hindi natin sila nakikita?
GINA Baka ibang Bunga ?yung sinasabi niya.
TETAY Paano kung nagkatawang-tao sila para paglaruan na naman tayo? Katulad ng kwento ko kanina.
GINA Guni-guni mo lang ?yun. Hindi ka pa yata kumakain eh.
TETAY Mga diwata ?yang mga ?yan. Sa huli, aalukin nila tayo na sumama sa kaharian nila. Ang sabi-sabi ng mga matatanda, nakatira raw sila sa gintong palasyo na maraming-maraming pagkain. Hindi ka magugutom. Wala pang asawang ituturing kang parausan.
GINA Saglit. Nagkatawang-tao? Hindi kaya? mga demonyo sila?
TETAY Oo. Demonyo talaga ?yung asawa ko.
GINA Hindi, ?yung mga tinatawag mong diwata. Paano kung ipinadala sila ni Satanas? Alam niyang walang diyos ngayon kaya?t naghahasik siya ng kasamaan. Mga demonyo talaga!
TETAY Maniwala ka sa?kin. Diwata ?yang mga ?yan. Siguro ay narinig nila ang usapan natin. Ngayon, nililito nila tayo dahil alam na natin na sila ang dahilan kung bakit nawala ang tubig dito.
Unti-unti ay lalapit sa kanila si Bireng.
GINA Hindi. Demonyo ?yang mga ?yan! Diyos ko. Nasa impiyerno na ba tayo? Pinarurusahan na tayo ng diyos sa mga kasalanan natin!
BIRENG Ano, okay lang ba kayo d?yan? Gusto niyo ba ng juice (diyos)? Nauuhaw ba kayo?
GINA Ay, hindi. Ayos lang kami. (bubulong kay Tetay)Sabi ko sa?yo eh. Demonyo nga ?to. Ang sabi ko diyos, hindi juice. Tignan mo, wala silang kinikilalang diyos.
BIRENG Gusto niyo ho ba ng makakain o kahit ano? Para makapag-isip naman kayo ng matino.
GINA Ayos lang ho talaga kami. ?Wag na po kayong mag-abala.(bubulong kay Tetay)May dala ka bang holy water d?yan? Sasabuyan ko ?tong mga demonyong ?to.
Maririnig ulit ang kulog kasing hina lang nang nauna.
BIRENG Kumukulog na naman. Baka kidlat naman ang tumama sa?tin.
Lalapitan ni Badet si Gina at Tetay.
BADET Anong ginagawa ninyo dito?
TETAY Maglalaba sana kami. Kaso pagdating namin dito, wala. Wala nang tubig.
BIRENG Palagi ba kayong nandito?
TETAY Tuwing sabado?t linggo.(bubulong kay Gina)Nagkukunwari pa siyang hindi niya alam na palagi tayong nandito. Marunong din palang umarte ang mga diwata.
Magbibilang si Bireng.
BIRENG Sabado at Linggo? Ibig sabihin, twice a week kayo nandito?
TETAY Tama ho ?yan.(bubulong kay Gina)Tignan mo, binilang pa talaga n?ya. Pakinggan natin ?yung pagbibilang baka hipnotismo ?yan, malay mo dalhin na nila tayo sa kaharian nila. Wala naman sigurong asawang hayok dun!
GINA Saglit, baka marinig ka nila.
BADET Kung palagi kayong nandito, anong meron? Bakit hindi tayo nagkikita?
Maririnig ulit ang mas malakas na kulog katulad nang pangalawa kanina.
Magliliwanag ulit ang bahagi kung saan nanggaling si Badet at Bireng.
Sa sobrang liwanag ng lugar ay hindi mapapansing nawala na si Gina at Tetay.
BIRENG Anong nangyari?
BADET Putang-ina. Okay ?yung tinira ko kagabi ha. Hanggang ngayon, high pa rin ako.
BIRENG Saan sila napunta?
Sandaling katahimikan
BADET Bangag pa rin ba ako hanggang ngayon? Hindi pwede. Kailangan ko pang maglaba. Lagot na naman ako nito sa mister ko eh.
Lalapitan ni Bireng ang bahagi ng batis na nagliwanag.
BIRENG Napunta tayo dito pagkatapos tayong tangayin ng tubs. Basang-basa tayo nun. Ngayon, bigla naman silang nawala. Kanina, alam ko umaapaw ang tubs. Ngayon, bigla naman ?tong nawala!
BADET Naniwala ka naman? Baka nga mga adik din ?yung mga ?yun eh. Para ngang kilala ko ?yung isa dun eh.
BIRENG Pero paano mo ipapaliwanag ang nakita nating liwanag?
BADET Isa lang ang paliwanag ko d?yan. Basta adik ka, lahat ng madilim? magliliwanag!
BIRENG Pero bakit ako nakita ko?
BADET ?Wag mong sabihin na nag-aadik ka rin? Nahawa ka na rin sa asawa mo ?no? Ang galing talaga ng asawa ko, no? Ginawa na niyang adik ang buong barangay.
Aamuy-amuyin ni Badet ang mga bato.
BIRENG Hindi, no! Alam mo bang kung ano-ano ang pinaggagawa sa?kin ng asawa ko kapag nakakagamit s?ya. Iniimpluwensiyaha n?yo kasi ng asawa mo.
BADET Sus! Ang dami mong sinabi. Ikaw din naman ang nasasarapan.
Uupo si Badet. Aamuyin naman niya ngayon ang mga buhangin.
BIRENG Ikaw nga ?di ba, sinasaktan ka na ng asawa mo?
BADET Bakit hindi mo hiwalayan?
BIRENG Paano ?yung mga anak ko? Ikaw, bakit hindi mo layasan ?yang asawa mong adik? Wala naman kayong anak?
BADET Wala naman kasi akong pupuntahan. Nagtitiis na lang ako. Kung meron lang, bakit hindi?
Sandaling katahimikan
BADET Magtapat ka nga. Hindi ka ba nagtataka sa sinabi nung isa? Dun daw siya nakatira sa tindahan niyo? May iba bang babae ang asawa mo? Hindi mo sinasabi sa?min? Akala ko humihithit lang siya, babaero rin pala.
BIRENG Kung dun siya sa?min nakatira, dapat kilala ko siya. Hindi pa naman umabot sa ganung punto ?yung asawa ko. Subukan lang n?ya. Lalayasan namin s?ya ng mga anak n?ya.
BADET Hindi eh. Parang nakita ko na ?yung girlie na ?yun. Alam ko na, dun ?yun nakatira sa tabi n?yo, kela Gina. Oo. Tama! Dun kela Gina ?yun!
BIRENG Kapitbahay namin? Parang wala namang nakukwento si Gina.
BADET Hindi. Kapatid ?yun ni Gina. ?Yung tinali nila kasi nabaliw? Di nila pinapakita sa mga tao.
Kukuha si Badet ng bato na puno ng lumot. Tatanggalin niya ang lumot gamit ang isa pang bato.
BIRENG ?Yun ba ?yung umiiyak tuwing gabi?
BADET Oo. Ang tsismis, napagsamantalahan daw ng asawa. Inuwi nila d?yan galing Maynila noong isang linggo kasi nga? nabaliw daw. Tinali na lang nila sa bahay.
BIRENG Naku! Kawawa naman pala siya.
BADET ?Wag kang maingay ha, sa?yo ko lang sasabihin ?to pero may kulungan pa nga ?yun sa loob ng bahay nila eh.
BIRENG Para naman nilang tinuring na hayop ?yung tao.
BADET Katulad ng ginawa sa kan?ya ng asawa n?ya. Naawa talaga ako nung first time kong nakita ?yun sa may bandang kusina nila. Kaya siguro nung nakawala, ayan, kung anu-anong ginagawa. Sana ?yung lalaki na lang ?yung kinulong nila.
BIRENG Buti pa dun sa kapatid ni Gina, may awa ka. Sa sarili mo, hindi. Parehas lang naman kaya kayo ng sitwasyon.
Hindi sasagot si Badet.
BIRENG Kilala mo rin ba ?yung kasama niya?
BADET Ewan ko. Baka katulad din niya, baliw.
BIRENG Pamilyar sa?kin ?yung girlie na ?yun eh. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita at kailan.
May maririnig na ingay ng rumaragasang tubig.
Sandaling katahimikan
BADET Ano ?yun?
BIRENG Sabi nung girlie kanina, ibon.
BADET Parang hindi naman ibon ?yun. Parang tubig? Pero nasaan?
BIRENG Alam ko na kung saan ko nakita ?yung isa! Nagkita na kami dito!
BADET Saan?
BIRENG Dito mismo!
BADET Labandera rin siya dito?
BIRENG Oo. Pero isang beses ko pa lang siya nakita. Para siyang aparisyon nun kaya hindi ko kaagad naalala.
Pupunta siya sa isang bahagi ng batis kung saan niya nakita si Tetay na naglalaba.
Uupo si Bireng at aarteng maglalaba.
BIRENG Naglalaba siya nun. Tapos tinitigan niya ako. Tumitig din ako.
BADET Mas adik ka pa yata kesa sa?kin eh.
BIRENG Tama! Siya ?yun! Nung ibinuhos ko na ang timba na puno ng labahin sa planggana, hindi ko alam pero nagulat siya.
BADET Kung anu-ano nang nakikita mo. Mas nakakaadik yata ?yang ginagawa sa?yo ng asawa mo kaysa sa tinitira namin ng asawa ko.
BIRENG Tapos bigla na lang siyang nawala.
BADET Sige. Tama ?yan. Sama-sama tayong mag-adik.
BIRENG Parang ?yung tubig dito sa batis, bigla na lang nawala.
BADET Halika. Puntahan natin ?yung katabing bahay n?yo.
BIRENG Paano natin pupuntahan? Wala na ?yung tulay.
BADET Naku, sigurado ako. Pinaghahanap na ?yan. O baka nga mas gusto pa nila na makawala na lang at hindi na bumalik.
BIRENG May nawawala. Meron ding pumapalit. Hindi kaya napunta ?yung tubig dun kung saan napunta ?yung dalawa kanina?
BADET Wow. Pati ?yung tubig nag-aadik.
BIRENG Hindi pwedeng malaman ?to ng iba.
BADET Bakit? Hindi naman yata ako sang-ayon d?yan.
BIRENG Hindi nga natin alam kung nasaan tayo. Parang hindi naman ?to Nagcarlan.
BADET Iisa lang naman ang Nagcarlan sa buong Pilipinas.
BIRENG Malay mo, may iba pang mundo. Hindi natin nakikita.
BADET Kung ano man ang tinitira n?yo ng asawa mo, bahala ka d?yan. Basta kung totoo man ?yang sinasabi mo, ipaalam natin sa buong bansa. Pwede nating pagkakitaan ?to, ?di na tayo maglalaba.
BIRENG ?Wag. Ang kailangan nating gawin ay bumalik dun sa rumaragasang tubig.
May dadaang malakas na hangin.
BADET Parang umaagos na tubig ?yung hangin.
BIRENG Nandito lang din ?yung tubig. Pero hindi natin nakikita.
BADET Sayang, nasira lang ?tong cellphone ko. Kung ayos lang ?to, kanina ko pa ?yan na-post. Ang daming likes kaagad n?yan. #SavetheRiver or 1 Like 1 Prayer for the River. Alam ko na, #SanaALLRiver, pwedeng mawala.
BIRENG Ang kailangan nating gawin ay alamin kung paano bumalik?
BADET Kapag nalaman na ?to ng buong Pilipinas, mababalita tayo sa 24 Oras at TV Patrol! Iinterbyuhin tayo nun!
BIRENG Kung may paraan para mapunta dito, may paraan din para makaalis.
BADET Sisikat na tayo! Makikita na tayo sa TV! Babayaran nila tayo. Magiging artista tayo, pwede na tayong maging senadora. Goodbye, labada!
May maririnig na kulog.
BADET Ayan na naman ulit ?yung kulog.
Pupuntahan ni Bireng ang lugar kung saan sila nanggaling ni Badet at kung saan nawala sina Gina at Tetay.
BIRENG Dalian mo. Pumunta ka dito.
BADET Anong gagawin natin d?yan?
BIRENG Maghintay tayo dito. Kailangan nating makabalik.
Sandaling katahimikan.
BIRENG Ano na? Badet? Tara na.
Hindi iimik si Badet.
BIRENG Dalian mo?
BADET Totoo bang nasa ibang mundo tayo?
BIRENG Biglaan lang ?yun.
BADET Dito na lang ako.
BIRENG Ha?
BADET Kung totoong nasa ibang mundo tayo, iwan mo na lang ako.
BIRENG Anong pinagsasabi mo?
BADET Ayoko nang umuwi. Wala naman akong sariling bahay dun sa?tin.
BIRENG ?Wag ka ngang mag-joke.
BADET Kung nandito tayo sa ibang mundo, makakapag-simula ulit tayo. Hindi na natin kailangang makulong sa mga asawa natin.
Sandaling katahimikan.
BIRENG Sure ka ba?
BADET Hindi na tayo magiging parausan. Ayaw mo ba nun?
BIRENG Gusto.
BADET Dito na lang siguro ako.
BIRENG Kinakabahan ako.
BADET Wala naman akong anak.
BIRENG Baka lalong magalit ang asawa mo. Anong sasabihin ko?
BADET Hayaan mo na s?yang mabaliw kakahanap. Hindi ko na naman siya babalikan.
BIRENG Kung wala lang siguro akong mga anak?
BADET Dalian mo na. Maya-maya ay may liwanag ulit hanggang sa?
Maririnig ulit ang mas malakas na kulog katulad nang pangalawa kanina.
Magliliwanag ulit ang isang bahagi ng batis. Sa sobrang liwanag ay hindi mapapansing nawala na si Bireng. Maiiwan si Badet.
Makikitang si Gina lang ang nakabalik. Basang-basa. Nanghahabol ng hininga. Lilingon-lingon sa paligid.
GINA Tetay? Diyos ko po. Si Tetay! Nasaan si Tetay!
Lalapit si Badet. Pupunasan ang basang-basang si Gina.
Unti-unting magdidilim ang entablado.
Hi! We are currently searching for a play to use in our production as our culminating activity. May we use your piece for that educational purpose?