Sa kalsadang puno ng pananagimsim
Mula sa nalagot na mga pangarap,
Ang tao pag gabi?y kabang lumalakad.
Hindi maibiling ang mga paningin
At tanging liwanag ang inaapuhap
Sa kalsadang puno ng pananagimsim
Mula sa nalagot na mga pangarap.
At pag kumaluskos ang kutob sa dilim
Ay nagmamadali?t gustong makatakas,
Iwas maging laman ng mga pahayag.
Sa kalsadang puno ng pananagimsim
Mula sa nalagot na mga pangarap,
Ang tao pag gabi?y kabang lumalakad.
5 Abril 2019
RESBAK volume 5, RESBAK