Poetry in Filipino

Petsay Ma’y Bakwit Din

Tinawag kang Pula
pagkat nagnanais
ng karunungan at kalayaan,
katiwasayan at kapayapaan.

Sa guni-guni nila
pulang awit ang iyong dasal kay Manama,
hawak mong bolpe?y dugo ang tinta.

Bintang pang
bomba ang tanim mong petsay,
at riple ang tangan mong pambungkal.

Sa taniman mo ng gulay,       
sila?y nagpaulan ng bala,
nagdilig ng dugo?t
naghasik ng lagim.

Tinawag kang Pula
ngunit ika?y luntiang petsay?
kapwa mo bakwit,
binunot sa katatamnan
at inilagay sa pasu-pasuan
kasama ng kapiraso ng lupang tinubuan.

Nagpapalipat-lipat ng
pansamantalang kakapitang
hindi matawag na punlaan o tahanan.
Pagkat walang pagtahan
sa kapagalang dulot
ng ligalig at karahasan.

Paparating na ang araw
ng pagbalik sa lupang tinubuan.
Bala?t lagim na doo?y damong ligaw,
aanihin, kikiskisi?t
gagawing kadena?t kawing
nilang sa petsay tanging dulot ay bagyo?t dilim.

Hasmin

Mumunting flora
ang pamumukadkad
ng palad ng musmos

upang mamalimos
ng pansin sa tabi
ng simbahan:

sinasalo
ang bawat patak
mula sa alangaang.

Iluhog
sa kinabukasang
masisinagang muli

ang mga talulot ng awa.

Pagkatunaw

Kada tanghali,
iyong ipinagkakaloob
ang tamis ng ngiti
sa kristal na daigdig
ng paborito mong kendi.

Pinaiikid
ang mundong asukal
sa loob ng bibig; pinapawi
ang uhaw kasabay
ng masidhing pag-igting

ng pagtirik ng araw.

Ka-wala-kan

Kalimutan mo muna ang agham,
silayan ang langit sa malayang isipan.

  Kalimutan mo muna:

     na hindi talaga patay-sindi
ang ningning ng mga tala,
at ipinagtagni-tagning alikabok lang
ang nagpapakislap sa banaag nito?
isipin mo na lang na may talukap
din ang mga bituin, kailangang
kimisap maya’t maya, at
tuwing umaga’y humihimbing.

     na pundido talaga ang buwan
walang sariling sinag, at
nananatiling bilog kahit kailan?
isipin mo na lang na may mga ugali
rin ito, kaya pabago-bago ng mukha
at kumikinang lang sapagkat
binigyang halaga.

     na nakalipas na lahat ng
natatanaw mo sa kalawakan?
isipin mo na lang na isa siyang gala
walang pakialam sa oras, at
walang hinahabol na
pagpupulong o pagkikita.

  Kalimutan mo . . . na ang lahat
      ng kasalukuyan ay tapos na.

Sige na, kalimutan mo muna

ang lohika,

   at

marahang

magsayaw

    sa

entablado ng kamangmangan