Short Stories / Fiction in Filipino

Narito ang mga maikling kuwento sa Filipino na nailathala sa Katitikan: Literary Journal of the Philippine South.


  • Katayan sa Palihan

    i. Hindi makapaniwala si Belai nang matanggap ang kanyang mga tula sa kauna-unahang Amanda Pahina National Writers Workshop para sa mga baguhang manunulat. Isang linggo bago ang ng pagsisimula ng palihan, nakahanda na ang lahat ng kanyang dadalhin sa Maynila. Nakasilid sa isang malaking bayong ang mga sumusunod: limang blusang kulay-itim, banig na may kakaibang…

  • Manananggal

    Bagong taon nanganganak ang isang manananggal ngunit ipinatawag siya sa pabrika ng telang pinagtatrabahuhan. Iniwan ang kalahating humihilab sa bahay upang mag-labor at ang bahaging itaas niya ang siyang nag-overtime.  

  • Pulubi

    Sinilip ng pulubi ang basong lalagyan ng nalimos. Sa loob, nakita niya ang ulo ni Rizal, dumudugo at bagong pugot.

  • Manananggal ng Sitio Toledo

    Ayaw maniwala ng mga taga Sitio Toledo na manananggal ang pumutakti sa mga manok ni Mang Dawe. Nagtaka syang walang tumitilaok sa bakuran nya samantalang pasado alas singko na kaya’t agad syang tumungo sa likod bahay. Tumambad sa kanya ang duguang ulo ng mga alaga. Wala lahat ng katawan. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga…

  • Sampaguita

    Alam ko. Hindi ako nakakalimot. Palaging binibilin sa akin ni Nanay, kapag lalabas ako sa kalsada mag-isa, wag daw ako tatanggap ng kendi sa kungsino mang di ko kilala. Pero, paano naman kaya yung mga batang tulad ko na di kailanman nakarinig ng kahit isang bilin? Paano kung tanggapin nila yung kendi? Gabing gabi na.…