Philippine Literature in Filipino

Basahin ang mga maikling kuwento, tula, at sanaysay na nailathala sa Katitikan – Literary Journal of the Philippine South.


  • Ritwal at Dalangin ng Hamog

    Habang isinisilang ang arawSa silangan, bubuksan ng hamogAng mga mata at pahihigpitin Ng lamig ang bisig na nalanta Dahil sa kahapong dumaan.Labimpitong buntonghininga Ang bibitawan sa malapadNa mga dibdib saka lamangSisimulan ang paghakbangSa kayumanggi at matabang lupa. Malulubog sa kapit ng putik Ang mga paang binaluktotNa parang mga kawayan.Ihahagis ang mga butil sabay hihipAt dalangin mula sa sikmurang Kumakalam at nangangasim.Ubo,…

  • Subukan Mong Bumangon, Isang Hatinggabi, At Pagmasdan ang Nahihimbing Mong Magulang

    Minsan, isang hatinggabinghindi ka binibisita ng antok,subukan mong bumangon.Puntahan sa tahimik na salangnag-anyong silid-tuluganang iyong mga magulang.Marahan, buksan mo ang ilaw,payapa silang pagmasdan.Sa simula, maiingayan kasa kanilang hilikhanggang makasanayanng iyong mga tainga, kalaunan.Ganito ang huning mga kuliglig.Ganito ang himigng gabing tahimik.Pakinggan pang maigi.Unti-unti mo na bang naririnigang kanilang mga lungkotpangamba, pangungulila at takotNa sa bawat…

  • Biyaya ng kutob

    Madalas sumasang-ayonsa hinuha ng inaang panganib ng takipsilimKaya nasanay siyang sumangguniSa kutob at hinahayaangMagdabog ang nalalabing tiwalaSa kanyang dibdibBinabagalan niya ang novenaat hinihila ang orassa hawak na rosaryo: Unang Misteryo ng Galak.

  • Kung Paano ang Maghimay

    Tanggalin ang ulo.Sipsipin ang malinamnam na katashanggang pumutla ang balat nito. Kalasin ang maiikling paa,ang taklob ng katawang nakakurba,saka isunod na hilahin ang buntot. Ilubog sa sukang may bawang at sili,isubo ang kalamnang sumuboksa kakayahan mong maghintayhanggang dulo ng sabik na pagtatalop. Ganito ang pananabik niya habang minamasdan ang pagbabalat mong lamang-dagat na hindi niya kayang…

  • kung bakit laging may patugtog sa SM

    kung papasoksa anumang SM City Mall,bago ang inaasam na lamig ng erkon,tiyak na sasalubong muna ang patugtog. sa loob, walang sulok na tahimik.bawat stall ay may sariling gimik.pana-panahon sa supermarketay meron pang “happy to serve!”o bumibirit ng “through the fire” na salesclerk.at syempre nariyan ang walang-kamatayangpaguusap-usap ng mga magkakamag-anakan,magbabarkada, mga magnobyo’t magnobya,mga nagbebenta at mga…