Philippine Literature in Filipino

Basahin ang mga maikling kuwento, tula, at sanaysay na nailathala sa Katitikan – Literary Journal of the Philippine South.


  • Walang Susing Musoleyo

    Nilalampaso ni Titser Jane ang sahig ng musoleyong putikan dahil sa pag-ulan kagabi. Ginawa nila itong panandalian na silid-aralan para sa mga batang nakatira rito sa sementeryo ng Brgy. Mayapis. At hindi sila ngayon makapagklase dahil sa kapal ng putik na pumasok sa loob nito.  Kasalukuyan siya na tinutulungang maglinis ng mga bata na kaniyang…

  • Quaranfic

    Tondo 1 “Nay pwede na lumabas?!” Napabalikwas sa higaan si Jeng-jeng nang makarinig ng mga naghuhuntahan at naglalarong bata. “Oo, ikaw na lumabas para bumili ng ulam at marami pa kong isasampay. Yung kapatid mo papasukin mo na rin dito!”  Agarang tumayo si Jeng-jeng at kinuha ang barya mula sa ina.

  • Labada

    Mga Tauhan:                                                      Gina               30s, naka-daster, may suot na kwintas na rosaryo Tetay              30s, naka-long sleeves at palda, may balabal sa ulo Badet              30s, naka-spageti strap at maikling shorts Bireng            30s, naka-t-shirt at shorts na pang-basketball Tagpuan:             Batis sa Nagcarlan, Laguna Panahon: Sabado de Gloria, alas-siyete ng umaga ANG DULA: Pagbukas ng entablado…

  • Sanayan Lang ang Pagpatay

    Mag-aalas kwatro ng madaling araw, nagpaalam kang umalis. Tumambad sa atin ang mga bote ng alak na iniwang gumugulong sa kalsada ng mga sundalong halos kauuwi pa lamang. Mag-aalas kwatro ng madaling araw, nagpaalam kang umalis. Isang oras na mas maaga sa karaniwan mong gayak.  Hindi ka pa nakalalayo ng bahay, nakarinig na ko ng…

  • Ang Huling Sayaw ni Sebyo

    Ika-walo na ng umaga nang magising ako sa mga palakpak at halakhak ng mga drayber ng traysikel na naghuhuntahan sa labas. Kinusut-kusot ko ang aking mga mata . Napatingin ako sa kisame at naaninag ko ang mga butiking nag-akyat manaog dito at sa mga kantuhang haligi ng aking silid. Hinagilap ko  ang aking  salamin sa…