Medida

Kakaibang alampay pagkataong gutay-gutay misteryosong kaakbay bunton ng mga retasong lumbay Pangarap na mailap medidang natutuklap sinukat ang hirap Di marating ang alapaap Inilapat sa dibdib at braso kupas na numero Sa hari sumasaludo kamao ng proletaryo Pinagdugtong, ibinuhol Linyang hindi naputol negosyanteng nauulol Nasa piketlayn ang hatol

Kakaibang alampay
pagkataong gutay-gutay
misteryosong kaakbay
bunton ng mga retasong lumbay

Pangarap na mailap
medidang natutuklap
sinukat ang hirap
Di marating ang alapaap

Inilapat sa dibdib at braso
kupas na numero
Sa hari sumasaludo
kamao ng proletaryo

Pinagdugtong, ibinuhol
Linyang hindi naputol
negosyanteng nauulol
Nasa piketlayn ang hatol



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *