Kung paaalisin ay di kami payag,
Sa amin ang lupa?t sa amin ang bundok.
Lalabanan iyang kanilang pagpatag.
Nandito na kami mula bumagabag
Yaong Pinatubong poot na pumutok,
Kung paaalisin ay di kami payag.
Halos walang oras na di mapanatag
Pagkat tumalundos sa lupa ang lugmok,
Lalabanan iyang kanilang pagpatag.
May salaysay kami na di maihayag,
Kahit binusalan, ang wika ng tuktok:
?Kung paaalisin ay di kami payag!?
Kamao sa ulap ang aming kalasag
At sandantang tangan sa bagnos ng muok,
Lalabanan iyang kanilang pagpatag!
Araw na madilim ay magliliwanag
Kapagka sumabog ang aming himutok!
Kung paaalisin ay di kami payag,
Lalabanan iyang kanilang pagpatag!
9 Abril 2019
AKDA volume 5, KAMANDAG