Call for Katitikan Issue 5: Writes and Rights is now open. Submit now!

Hukayin natin ang langit
Masarap doon
Naga awas awas ang gatas at dugos
Kahayahay ng buhay, Kahayahay ng buhay
Hukayin natin ang langit
Makakita lahat, walang mabulag
Makalakad ang mga pilay
Makarinig ang mga bingi
Makakain ang mga gutom sa bulawan
Kaya hukayin natin ang langit
Wag ka mag pa luya luya
Ang mga ugat, bato, lupa bungkalin
Ang mga laman, buto, dugo sipsipin
Lahat ng naka tanim langkatin
Hukayin natin ang langit
Hukayin natin ang langit
Wag pansinin ang init
Wag pansinin ang init
Makapal ang balat natin
Makapal ang mga mukha natin
Wag pansinin ang mga shagit
Naga palalim nang palalim
Naga painit nang painit
Kahit batok na ang ating mga panit
at nagalakas dahan dahan ang mga shagit
Hukayin natin ang langit
Hukayin natin ang langit

By Gerald Galindez

Gipanganak si Gerald Castillo Galindez aka G!K noong nabungkag ang Berlin Wall at nabuo ang Eraserheads. Ang Klaro na Masyado: Poems in Kabacan and Tacurong Tagalog, 2020, Kasingkasing Press ang pinaka una niyang koleksyon ng mga tula at ang From Kabacan-Buluan-Tacurong, With Love, 2021, Bigkas Pilipinas Entertainment Ang una niyang Spoken Word EP. Isa na siyang street level individual kay nag resign na siya sa pagiging teacher ngayong 2023. Gina hati niya ang oras niya sa Street Photography, Jewelry Making, Fishing, Biking, Table Tennis, Water Coloring, Japan Surplus Hunting, Moshpit Bouncer at pag hugas ng plato para sa asawa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.