Cybora

Dalawang oras ko nang inaayusan ang sarili, hindi ko magawang makontento sa make-up ko. Gusto ko ma-achib yung smokey eyes effect, kailangan para sa gagayahing karakter. Dominatrix! Kulay itim ang isusuot kong latex dress at leather ang hanggang tuhod kong boots, handa na rin ang mga props, bagong bili sa online shop ang gagamitin kong latigo. Panigurado, marami akong kikitain ngayon.

Matapos kong ihanda ang sarili, binuksan ko na ang kompyuter. Kailangan pang mag-log-in sa website at mag-live ng ilang minuto bago magkaroon ng kustomer. Alam ko na ang gusto nila, nababaliw sila sa mga dominanteng babae. Gusto nilang minumura. Pinapahiya. Minamaliit. Gusto nilang maramdaman na hindi sila tao. Na peke ang kanilang pagkatao.

“Hello baby! Where are you from?”

“I’m from the US!”

“Are you ready for me?”

“Touch your penis! Masturbate!”

Minura niya ako.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.