Ikalawang Kamatayan

“Naay gipusil didto! Buak ang ulo, gisumpak!”

Dali-dali akong tumakbo patungo sa kumpulan ng mga tao nang marinig ko ang balita. Madaling araw na at nagising ang buong eskinita sa tunog ng ambulansya. Umiikot ang pula at asul na ilaw ng sasakyan ng pulis, hindi ko masyadong maaninag ang duguang katawang nasa kalsada.

Wala na ang heels nito, halos nahubad na rin ang itim na dress nitong suot. Nagkalat ang laman ng shoulder bag at duguan ang mahabang buhok. Read More

Cybora

Dalawang oras ko nang inaayusan ang sarili, hindi ko magawang makontento sa make-up ko. Gusto ko ma-achib yung smokey eyes effect, kailangan para sa gagayahing karakter. Dominatrix! Kulay itim ang isusuot kong latex dress at leather ang hanggang tuhod kong boots, handa na rin ang mga props, bagong bili sa online shop ang gagamitin kong latigo. Panigurado, marami akong kikitain ngayon.

Matapos kong ihanda ang sarili, binuksan ko na ang kompyuter. Kailangan pang mag-log-in sa website at mag-live ng ilang minuto bago magkaroon ng kustomer. Alam ko na ang gusto nila, nababaliw sila sa mga dominanteng babae. Gusto nilang minumura. Pinapahiya. Minamaliit. Gusto nilang maramdaman na hindi sila tao. Na peke ang kanilang pagkatao.

“Hello baby! Where are you from?”

“I’m from the US!”

“Are you ready for me?”

“Touch your penis! Masturbate!”

Minura niya ako.