Isang maulang gabing pikit ang bituin; tulog ang buwan. Walang nakakita, walang nakaalam. Walang saksi sa panandaliang pagtatampisaw sa ulan. Bawat patak ay hindi ingay kundi musika. Bawat kulog ay hindi takot kundi lugod. Bawat kidlat ay hindi sakit kundi sarap.

Malamig man ay bukal ang dugo. Uhaw ang dalawang boteng umapaw sa patak ng ulan. Wala man mapasukan, naghanap pa rin ng lagusan. Kung wala man no’n ay may haguran. Kahit ano’y gagawin, makatasan lamang.

Hanggang sa umapaw, napawi ang uhaw. Hanggang sa nadiligan, tumila ang ulan. Busog ang parehong gutom na kalamnan. Dumilat ang mga bituin, ngunit bulag sa mga nangyari. Nagpakita ang buwan ngunit blanko ang isipan.

“Bukas ulit ng gabi, pre.”

“Sige ba, pre. Ganitong oras pa rin.”

At silang dalawa’y umuwi sa kani-kanilang sinisintang bituin at buwan na naghihintay sa kanilang pag-uwi’t paghimlay sa tabi.


This literary piece is part of Katitikan Issue 4: Queer Writing.

By John Lloyd Sabagala

John Lloyd Sabagala is a third-year student from the University of Southeastern Philippines. He is currently taking up a Bachelor of Arts in Literature and Cultural Studies degree. He is now residing in Compostela, Davao de Oro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.