John Lloyd Sabagala

Bukas Ulit ng Gabi

Isang maulang gabing pikit ang bituin; tulog ang buwan. Walang nakakita, walang nakaalam. Walang saksi sa panandaliang pagtatampisaw sa ulan. Bawat patak ay hindi ingay kundi musika. Bawat kulog ay hindi takot kundi lugod. Bawat kidlat ay hindi sakit kundi sarap.

Malamig man ay bukal ang dugo. Uhaw ang dalawang boteng umapaw sa patak ng ulan. Wala man mapasukan, naghanap pa rin ng lagusan. Kung wala man no’n ay may haguran. Kahit ano’y gagawin, makatasan lamang.

Read More

Muni-muning Pagyakap sa Pagiging Mapag-isa’t Malaya sa Ilalim ng Buwan at Ibabaw ng Kamatayan

Mainit, kaya binuksan ko ang durungawan
Madilim, kaya inaya ko ang liwanag ng gabi
Mag-isa, kaya ako’y nagdasal
Humingi ng tawad, humingi ng basbas
Sa poon ng buwan at ng kamatayan

Sa ganitong oras na tahimik ang tahanan
Walang nang taong hindi tulog
Ngunit hindi ang damdamin kong kumakabog
Buhay na buhay ang dugo kong kumukulo
Na biglang tumatamlay pagdilat ng araw

Read More