Nakatulos ang kandila sa gilid ng eskinita nag-iisa, lumuluha sa lunan kung saan pinigtas ang hininga ni Marta noong ?sang gabing malamig ng lalaki?t unipormadong chimera
-waring binusalan at piniringan ng mga pitada ang langit naging bulag, pipi at bingi ang paligid sa mga samo ng dalagang ina na kung makakapagsalita lang sana ang nagkalat na mani, kendi, balut at pugo sa tabi ni Marta ay t?yak papayapa ang kanyang kaluluwa o ang poste ng ilaw na nakatirik ?di kalayuan sa malamig na?t matigas na bangkay ng kilalang binaliw ng bato sa madilim na sulok ng Bakal Dos at Uno na kung tutuusi?y nakasaksi kung paano sumabog ang kanyang ulo na waring sa naapakang ipis-
makalipas ang ?sang gabi, may nakatulos muling kandila mukang ?alang ding kabusugan ang Hari ng mga Chimera.
Si Rene Boy Abiva o RBA ay dating bilanggong politikal. Nagsusulat siya ng tula at maikling kuwento sa wikang Iloko at Filipino. Siya ang awtor ng Tuligsa at iba pang mga tula (Pantas Publishing, Lungsod Quezon, 2018) at naging kontribyutor sa Hulagpos: Kalipunan ng mga tula ng mga Bilanggong Politikal (Selda, Lungsod Quezon, 2016) at AKDA Volume 5 (Kamandag, Lungsod Quezon, 2019). Isa siya sa mga patnugot ng Pandayan ng Paninindigan: Pagbisita at iba pang mga tula ni Ben Concio Quilloy (ASCENT, Lungsod Quezon, 2019). Nalathala na ang kanyang mga tula, digital at printed, sa Liwayway Magazine, Bannawag Magazine, Philippine Collegian ng University of the Philippines- Diliman, Pinoy Weekly, Bulatlat.com, Northern Dispatch Weekly, Manila Today, Kodao.org, PinoyReporter.com at marami pang iba. Fellow siya ng 11 th Palihang Rogelio Sicat (Maikling Kuwento) ng Unibersidad ng Pilipinas- Diliman, 6 th Cordillera Creative Writing Workshop (Tula) ng Unibersidad ng Pilipinas- Baguio, 9 th Pasnaan- Jeremias A. Calixto Ilokano Writers Workshop (Daniw) ng GUMIL o Gunglo Dagiti Mannurat Ti Iloko at Mariano Marcos State University at 58 th University of the Philippines National Writers Workshop (Tula). Siya ay miyembro ng Kilometer (KM) 64 Writers Collective at Concerned Artists of the Philippines.