Ilang kamao na ang bumagsak
sa upós kong balát.

Dumaplis.
Nagmarka.
Nanahan.

Ilang damit na ang binili ngunit
nanatiling nakatago sa aparador.

“Kailan ka lalaya?” 
Tanong ng paldang korduroy.

Malayò ako sa
kilalá niyong
hinugot lamang
sa tadyang. — lagpas ako roon.

Wala sa laki ng braso,
hindi sa lalim ng boses.

Walang puki, matres 
at natural na dibdib
ang kailangan 
para sa pagtanggap.

Hindi ako tunay,
hindi rin huwad — “Buháy ako!”

“Babae, Ako!”


This literary piece is part of Katitikan Issue 4: Queer Writing.

By Lenard Diaz

Si Lenard R. Diaz ay mula sa Quezon City na kasalukuyang nag-aaral ng Batsilyer sa Edukasyong Filipino sa Philippine Normal University. Isang aktibong kasapi ng PNU Katalonan—opisyal na samahan ng mga mag-aaral na nagtataguyod ng pantay at patas na karapatan sa mga kasapi ng LGBTQIA+ Community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.