Author: Liberty Notarte Balanquit
-
Heometriya ng lungkot
1 kwadrado ang hugis ng lungkot; ang dingding na namamagitan sa atin.ngunit anong hugisang hinuhulma ng ating palad sa panahong yakap natin ang ating sarili, namamaluktot sa higaan, pilit na ikinukuyom ang lahat ng hindi maaaring sambitin?
-
Biyaya ng kutob
Madalas sumasang-ayonsa hinuha ng inaang panganib ng takipsilimKaya nasanay siyang sumangguniSa kutob at hinahayaangMagdabog ang nalalabing tiwalaSa kanyang dibdibBinabagalan niya ang novenaat hinihila ang orassa hawak na rosaryo: Unang Misteryo ng Galak.