Author: Jules Yuan Roldan


  • Sa May Divisoria

    Nauna na kaming bitbitin ang mga bagahe ng pangamba sa may bangketa. Sa Divisoria kung saan nanahan ang mga gunita-   Nang minsang dinidikdik ng mga puwersa, itinaboy na parang mga peste  sa malinang na kabukiran nilimas, nilampaso wika nila’y: mga sagabal sa daan.

  • Demolisyon

    Sa masikip na looban, Sing-init ng kape ang mga taong nababahala Lahat sila’y ‘di magkandaugaga- Taym-pers muna ang mga batang  Nagmumurahan sa pagtatakbuhan, Pati sila Chukoy na sumisistema’y nagpulasan, All-out tuloy sila aling Gema sa pagtsitsismisan Kumawala ang mga katanungang: “Puta, san tayo mapupunta n’yan?”