Categories
Fiction

Sanayan Lang ang Pagpatay

Mag-aalas kwatro ng madaling araw, nagpaalam kang umalis. Tumambad sa atin ang mga bote ng alak na iniwang gumugulong sa kalsada ng mga sundalong halos kauuwi pa lamang.

Mag-aalas kwatro ng madaling araw, nagpaalam kang umalis. Isang oras na mas maaga sa karaniwan mong gayak. 

Hindi ka pa nakalalayo ng bahay, nakarinig na ko ng magkakasunod na putok. Huwag daw akong lalapit at kahit magpumilit, anong laban ko sa dahas ng armadong militar?

Naging maligalig ang mga sumunod na araw. Nakipagbarilan ka raw, sabi sa radyo. Rebelde ang tawag sayo ni mayor. Isa ka raw sa sampung NPA na napatay sa shootout, balak parangalan ng Palasyo ang mga pumaslang sa iyo.

Gusto kong dukutin nang direkta ang bituka ko sa patong-patong na sakit na di ko na masikmura. Wala silang respeto sa alaala mo. Inangkin nila ang buhay mo at pinipilit nilang baguhin ang katauhan mong para bang sila ang may-ari.

Mag-aalas kwatro ng madaling araw, nagpaalam kang umalis. Bago buksan ang gate, sinigurado mong nasa bag ang baon mong tubig, lapis, at test permit. 

Categories
Fiction

Manananggal ng Sitio Toledo

Ayaw maniwala ng mga taga Sitio Toledo na manananggal ang pumutakti sa mga manok ni Mang Dawe.

Nagtaka syang walang tumitilaok sa bakuran nya samantalang pasado alas singko na kaya’t agad syang tumungo sa likod bahay. Tumambad sa kanya ang duguang ulo ng mga alaga. Wala lahat ng katawan.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga kapitbahay nya.

Categories
Fiction

Galit si Eba

Halos murahin si Eba ng tindera ng kamatis. Muntik na kasing magkandahulog ang mga paninda ng ale nang matabig n?ya ang bilao dahil sa barubal n?yang paglalakad. Walang pake si Eba dahil galit s?ya. 

Tinabig n?ya palayo ang pulubing dalawang beses kumalabit sa kanya habang nakapila

sa hintayan ng jeep. Pinagtinginan s?ya ng mga tao. Muli, wala s?yang pake dahil galit s?ya.