Author: Gabriela Baron


  • Quaranfic

    Tondo 1 “Nay pwede na lumabas?!” Napabalikwas sa higaan si Jeng-jeng nang makarinig ng mga naghuhuntahan at naglalarong bata. “Oo, ikaw na lumabas para bumili ng ulam at marami pa kong isasampay. Yung kapatid mo papasukin mo na rin dito!”  Agarang tumayo si Jeng-jeng at kinuha ang barya mula sa ina.

  • Sanayan Lang ang Pagpatay

    Mag-aalas kwatro ng madaling araw, nagpaalam kang umalis. Tumambad sa atin ang mga bote ng alak na iniwang gumugulong sa kalsada ng mga sundalong halos kauuwi pa lamang. Mag-aalas kwatro ng madaling araw, nagpaalam kang umalis. Isang oras na mas maaga sa karaniwan mong gayak.  Hindi ka pa nakalalayo ng bahay, nakarinig na ko ng…

  • Manananggal ng Sitio Toledo

    Ayaw maniwala ng mga taga Sitio Toledo na manananggal ang pumutakti sa mga manok ni Mang Dawe. Nagtaka syang walang tumitilaok sa bakuran nya samantalang pasado alas singko na kaya’t agad syang tumungo sa likod bahay. Tumambad sa kanya ang duguang ulo ng mga alaga. Wala lahat ng katawan. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga…

  • Galit si Eba

    Halos murahin si Eba ng tindera ng kamatis. Muntik na kasing magkandahulog ang mga paninda ng ale nang matabig nya ang bilao dahil sa barubal nyang paglalakad. Walang pake si Eba dahil galit siya.  Tinabig niya palayo ang pulubing dalawang beses kumalabit sa kanya habang nakapila sa hintayan ng jeep. Pinagtinginan sya ng mga tao.…