October 2023


  • Ang Kuwento ni Lola Mina

    Lipas na ang panahong pinipilahan siya ng mga tao para lang makita. Wala na ang mahahabang pila, ang bulungan ng mga nagsipunta, ang mangha sa kanilang mga mata. Matagal nang sarado ang perya at limot na ng mga taga-Buenavista si Mina, ang lola kong may anim na paa. Kuwento niya sa ‘kin noon, nagsimula ang…

  • Pilipinas, 2026

    “Last Aug. 15, the Philippine Statistics Authority (PSA) said the food threshold for a family of five in 2021 was P8,379, indicating that the government won’t classify you as “food poor” if you spend more than P18.62 per meal.” Sanggunian: Dela Peña, K. (2022, August 23). Ph Poverty: You’re not poor if you spend more…

  • Messenger

    “walang biro… kay langan ko ng pamasahe totohanan lang… papatayin nako .. ng mgs pulis.. pinapipili ako kong ako o si Edgar .. kaylangan ko tulong mo binigyan sko ng palugid hangang bukas” “Hindi ako naniwala kaagad noong binasa ko. Sana nirespondehan ko. ‘Di ko nireplyan. Naisip ko, baka napapraning lang ‘to. Tsaka pandemya ngayon.…

  • Ang Mga Naulila

    Isang araw, tinawag ng liwanag ang mga batang naulila ng onsehan, gang war, hitman ng mga hindi nag-remit ng napagbentahan, palit-ulo, death squad ng sekta at frat, mga pulis na kumuquota para sa balato at ranggo. Tinawag sila ng liwanag na kasimbilis ng kisap sa bibig ng ipinutok na baril. Tinawag sila ng liwanag na kasingnipis ng…

  • Executive Order

    Sa kabila ng kabi-kabilang pagtutol—na kahit ang mga dukha ay may mga karapatang-pantao rin—itinuloy ang pag-aresto at pagkapon sa mga lalaking natutulog sa lansangan. Nangyari ito isang taon makalipas pirmahan ng Pangulo ang isang executive order nang tuluyang mabawasan ang pagdami ng mga batang hamog na nagnanakaw sa mga pampublikong sasakyan. Halos isang milyon ang kinapon. Hindi makapaniwala ang…