2021
-
Infinite Backyard Choreography
Consider to pocket this moistLayer of loam: a cache of glass, Ore, bones before the banyaga Rattles the ground. The myth Describes a gentry of anitos Walked this very earth, sated With salamanca. It should beA given that we’ve sculptedEnough idols in our mind
-
Elehiya sa Talisain
Gumuguhit sa pisngi ng tari ang mga plumahe mong nagaagaw sa abo’t dilaw. Giyagis ang iyong tuka: Tututok sa itay, tuturo sa langit, lilingon sa akin, bago tuluyang bumaling sa nakataob nang dulang — paulit-ulit lang itong galaw sa saliw ng tilaok na imbes umaga’y nagbabadyang katapusan ang sinasalubong. Sa higpit ng aking kunyapit dama ko ang tulin ng tibok ng…
-
Daan
Iuuwi ka ng estranghero sa silid na pinalilibutan ng salamin pero walang bintana. Sa iyong mundo ito ang katumbas ng pagmamahal. Alam mong alam niyang kahit saan ka man tumingin, hindi ka nakatingin sa kaniya o sa inyong repleksyon. Kinakalas mo ang sinturon, ibinababa ang pantalon, brief, na parang pinipilas ang lahat ng pagpapanggap— isang…
-
Calle Burgos
Mag-aalas sais na nang araw na yaon. Inagahan ni Atong ang pag-uwi mula sa pinapasukang trabaho na pagmamay-ari ng Intsik na nakapangasawa ng Tagalog. Nang marinig ni Burnok ang pitada ng kanilang traysikel sa labas ay dagli siyang gumayak, sinuot niya ang bagong biling damit na mula pa sa anim na buwan na ipon, t-shirt…
-
Bastardo
Hindi ba ito ang inaasam— ang pasukin ng estranghero ang likuran na parang may espadang humihiwa sa laman, hinahalukay ang bituka hanggang matunton ang pinakainiingat-ingatang sityo ng sarap at sakit. Ang sarap at sakit. Walang kahiya-hiya, walang kawala-wala nagtitiwala, sumusunod sa katawang hinahawan ang daan tungo langit — May hitsura ka naman pala, ano.