Categories
Poetry

Ang mga Soltero sa Bailehan

Ginatan-aw ta ka nga nagasaot
Sa sulod sang bailehan.
Ganilagsanay ang mga suga
Nga may nagalain-lain nga duag sa imo nawong,
Sa imo bibig, sa imo mga mata.

Nagakinurit-kurit ang balangaw sa imo nga lawas
Bisan nga gab-i ang kalibutan
Sa sulod sang kudal sang bailehan.
Kahilway kaayo sang giho sang mga suga.
Wala sang bisan sin-o
Ang nagapugong sa ila giho.

Sadto nga oras, ginhandum ko man
Nga mangin mga suga sang bailehan
Nga imo lang ginapabay-an
Nga mag-dinagyang sa imo nga lawas
Sa atubangan sang mga katawohan.

Ang mga Binata sa Bailehan

Pinagmamasdan kitang sumasayaw
Sa loob ng bailehan.
Naghahabulan ang mga ilaw
Na may iba’t ibang kulay sa iyong mukha,
Sa iyong labi, sa iyong mga mata.

Gumuguhit-guhit ang bahaghari sa iyong katawan
Kahit na gabi ang mundo
Sa nababakurang bailehan.
Malayang gumagalaw ang mga ilaw.
Walang sino man
Ang pumipigil sa kanilang mga galaw.

Nang mga oras na iyon, pinangarap ko ring
Maging mga ilaw ng bailehan
Na hinahayaan mo lamang
Maging malaya sa iyong katawan
Sa harap ng madla.


This literary piece is part of Katitikan Issue 4: Queer Writing.

By KC Daniel Inventor

Si KC Daniel Inventor ay nagtapos sa kursong AB/BSE Literature sa Pamantasang Normal ng Pilipinas – Manila. Naging fellow siya sa 2nd Nueva Ecija Personal Essay Writing Workshop, Lagaslas Children’s Story Writing Workshop ng NCCA – Taga-Alog, Luntiang Palihan para sa pagsulat sa Lokal na Wika (Hiligaynon) ng De La Salle University – Manila, Ed Maranan Children’s Story Writing Workshop ng Baguio Writers’ Group, at 17th Ateneo National Writers’ Workshop ng Ateneo de Manila University. Siya ay tubong Valladolid, Negros Occidental.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.