MGA TAUHAN:
Mama – 50’s, Babae. Balo. Walang arte masyado sa katawan. Magsasaka. Hindi halata sa hitsura ang edad, mas bata itong tingnan.
Obet – 30’s. Solong anak ni Mama. Matikas at halatang sabak sa laban.
TAGPUAN:
Sa isang kamalig. Malamig na hating-gabi. 1984 panahon ng Martial Law.
1
ANG DULA:
(Dilim. Maririnig ang huni ng mga kuliglig sabay ng musika ng isang gitara na tinutugtog mula sa radyo. Dahan-dahang magliliwanag ang entablado. Makikita si Mama na nakaupo sa upuan at sumasabay-sabay sa tugtog ng gitara. Katabi niya ang picture ng asawa at sa baba ng upuan ay may isang malaking bayong at sako ng kopra na may lamang doma at bigas. Static sound ng radyo. Paputol-putol ang sounds hanggang tuluyang mawala. Ichi-check ni Mama ang radyo. Tatanggalan ng baterya at ibabalik. Itatry i-on. Hindi na ito gagana)
Mama:
Ay, buli. Wara na ‘gom. Dae na kita maka-sounds. Ubos na ada an baterya kaini.
(Itatry muling i-on ang radyo pero hindi gagana.)
Mama:
Maano na kita? Wara na kitang libangan.
(Titingin-tingin sa paligid.)
Hating gabi na, wala pa rin. Saan na naman kaya nagsususuot yung batang yun. Pagdating noon dito, malilintikan talaga siya sa akin. Kukuduton ko siya sa singit sin makusugon hanggang bumaon ang mga kuko ko sa balat niya.
(Saglit.)
Dapat, kagabi pa ang uwi niya sa bahay. Mala, hanggang ngunyan, wara pa. Yang talagang anak mo, manang-mana sayo. Halos pinapatay ako sa nerbyos araw-araw. Kapag inabot tayo ng alas tres dito na wala pa siya, ay, lintian, sasabihin ko sa kaniya na maghanap na ng bagong bahay.
(Maghahanap ng ibang libangan. Lalamukin.)
Mama: Inlalamok na lamang ako.
(Kabadong titingin-tingin sa paligid. Sisindihan ang isang lampara. Makikita ang isang paruparo.)
Mama: Ay, o, kitaa baya Agom, may magayunon na kulibangbang. Uyan, o.
(Ituturo ang paruparo.)
2
Dinalaw na naman kita. Sana kwarta na yan. Baad lamang may magbakal na san mga pamaypay na gibo ko.
(Saglit.)
Hmp. Nagtataka ka kung bakit gumagawa na ako ng pamaypay?
(Lalapit sa Picture ng asawa si Mama.)
Dae pa baga kaya kita nakatarok kay dae pa naga-uran. Tuyong-tuyo pa ang lupa, hindi pa pwedeng pagtamnan. Kaya heto, naghanap muna ako ng mapagkakakitaan. Gumagawa ako ng pamaypay yung sa anahaw. Maproseso pero pwede na pagtiyagaan. Kaya kong gumawa ng tatlong pamaypay sa isang araw. Nabibenta ko ng limang piso bawat isa. Tatlong pamaypay sa limang piso, kinse pesos na rin yun, pambili ng asukal.
O, ‘di ba ang galing ko. Tapos piptin tayms seven kasi pito ang araw sa isang linggo edi bale wanhandred payb. Yan ang magiging kita ko pag nabenta ko lahat ng pamaypay na gawa ko. Malaki na ‘di ba? Wanhandred payb, makakabili na tayo nun ng sardinas. Pangsahog sa talbos kamote para naman magkalasa.
Pag nabenta ko ang mga pamaypay.
(Saglit. Hahawakan ni Mama ang larawan ng asawa.)
Nagtataka ka kung bakit marunong na rin akong magtayms ano? Tinuturuan kasi ako ng anak mo pag umuuwi siya sa bahay. Intutukduan niya pa ako magbasa kad magsurat. Para daw hindi ako basta-basta naloloko.
Nakakatuwa talaga yang si Obet.
(Saglit.)
Tapos ito pa, ‘Gom. Kabilin-bilinan niya na wag raw ako basta pipirma ng mga dokumento kung hindi ko nababasa o naiintidihan. Aba. Wala atang tiwala sakin yang anak mo. Kaya pati Ingles tinuturo niya rin sa akin. Gusto mo sample? Nasupog kaso ako sa imo. Pero sige na ngani. Magdangog ka, ah.
(Aayusin ang upo.)
3
Hi. May neym is Shirley Ocampo. You can call me Shie or Nanay Shirley for short.
(Sa Agom.) Ohhhh… bilib ka, no?
Ay am pipti wan years old. Aym leave… Ay sala. Halat, saro pa. Ay leyb at… Ay lib in… A… A… ano ngani English kan kuwan, ‘Gom? Su… bahay-kubo? House, Bahay, Kubo? House kubo? Ah, basta. Pag-uwi natin sa bahay mamaya basahin ko sayo. Mas nadadalian kasi ako pag may kopya. Nasa puro na kan dila ko, dae ko lang natataram.
(Saglit.)
Aram mo, ‘Gom, Ano kaya kung seryosohin ko na ‘tong paggawa ng pamaypay para may tuloy-tuloy akong kita. Ano sa tingin mo?
Para kung sakaling tuluyang mawala satin ang…
(Titingnan ang larawan. Saglit.)
Mama: Ang ibig kong sabihin, para may libangan ako. Itutuloy-tuloy ko na ang
paggawa ng pamaypay habang wala sa bahay si Obet. Magandang ideya ‘yon‘no?
(Saglit. Titingin-tingin sa paligid.)
Aw, kahaloy-haloy baya kan aki mo. Kanina pa ako dito naghihintay.
Inlalamok na lamang ako.
(Katahimikan. Titingnan ang paruparo.)
Kitaa baya, Agom. Yadi pa an kulibangbang. In-uupudan ako maghulat sa aki mo. Uyan, o. Sige lang padayaw san magayon-gayon niyang pakpak.
(Saglit.)
Kung yadi na si Obet, matutuwa yun. Gustong-gusto niya kasi ang mga paruparo. Ewan ko nga kung ba’t niya nagustuhan niya yan. Tinatanong ko kung anong pakinabang niyan sa paligid, hindi naman makasagot. Bukod sa magagandang pakpak, lumipad lang naman ang alam niyang gawin. Jackpot pa minsan pag napuwing ka sa mata. Ay, jusko. Nakakabulag daw ang mga balahibo niyan.
(Saglit.)
4
Aw, uni pa an makaulok jan, ‘Gom. An sabi niya, pag may nagadalaw daw na kulibangbang sa harong, ikaw dun yun. Minalayaw-layaw sa harong mi para dalawon asin kumustahon kami.
(Matatawa, hagalpak.)
Aw, inda ko baya jan sa aki mo, Agom. Nasobrahan sa tali kakaadal. Kun nano-nano nalang an iniisip. Akalain mo yun, naging paruparo ka na raw?
(Matatawa. Saglit. Magsiswitch sa seryosong mukha.)
Pero, ikaw na ba talaga yan, Agom? Naging paruparo ka na nga ba?
(Dahan-dahang lalapitan ang paruparo. Ilalapit ang tenga sa paruparo. Biglang papasok si Obet at bubulungan ang ina. )
Obet: Oo, ako na yan.
Mama: Hala!
(Matatakot si Mama, titingin sa paligid. Nakatago sa likod niya sa Obet. Hindi nya ito makikita.)
Mama: Totoo? Naging paruparo ka na?
Obet: Oo. Naging paruparo na ako.
Mama: Seryoso nga?
Obet: Oo nga.
(Biglang mararamdaman ng Mama si Obet sa likod. Mahuhuli niya ito.)
Mama: Ay, dimontris kang aki ka! Pinaglololoko mo ako. Bigla-bigla ka na
sanang minasurulpot. Gagadanun mo ako sa nerbyos.
(Matatawa si Obet. Hahampasin ng panyo ni Mama si Obet.)
Obet: Pa, si Mama garu na naman kapay, tigakauron an kulibangbang. Ika daa
idto.
Mama: Ay, linintian ka, ikaw ang nagturo sakin na naging paruparo si Papa mo
tapos pagtatawanan mo ako ngayon? Wag kang magpapahuli sa akin at malilintikan ka talaga.
(Hahabulin ni Mama si Obet para hampasin ng panyo.)
5
Obet: Ma, joke lang nga. Para karaw, grabe ka man.
Mama: Che!
(Babalik si Mama sa upuan.)
Obet: Sorry na.
Mama: Wag mo akong kausapin!
Obet: Hala?! Ilinga baya Pa, si Ma garu teenager.
Mama: Tunungan mo baya ako.
(Huhupa ang tawa ni Obet. Katamikan.)
Obet: Kumusta po, Ma?
Mama: Ba’t ngayon ka lang? Anong oras na?
Obet: Alas dose y media po.
Mama: Ano ‘yong usapan natin?
Obet: Pasensya na, Ma, may kaonting aberya po kasi sa daan. Kinailangan
namin mag-iba ng ruta.
Mama: Ni hindi ka man lang nagmano.
(Sagli.t)
Obet: Medyo marumi po kasi ang kamay ko.
(Akmang magmamano pero hindi tatanggapin ni Mama.)
Mama: Hindi ka sumipot dito kagabi.
(Saglit. Hindi sasagot si Obet.)
Mama: Napanis tuloy ang latik na dapat ibibigay ko sayo. Alam mo namang
bertdey ng papa mo ni hindi ka man lang nakarating para bumati.
Obet: Nagtirik naman po ako ng kandila.
Mama: Pero hindi ‘yon sapat. Ang gusto ko ay magkasama tayong dadalaw sa
puntod.
Obet: Pasensya na po.
6
Mama: Wag ka sa akin humingi ng tawad.
(Titingnan ang picture ng Papa ni Obet.)
Obet: Pa, happy birthday. Pasensya na po at hindi ako nakaabot kagabi. May
biglaan po kasi kaming lakad. Hayaan niyo po. Sa susunod na bertday niyo, babawi ako.
(Titingnan si Mama ng paasar.)
Obet: (Sa larawan.) Pa, miss na miss ka na ni Mama. Dae na daa kaya nangiblit
sa iya pagkabanggi.
Mama: Nadangog ko ito Obet, a!
Obet: Naniniwala na ngang naging paruparo ka.
(Matatawa si Obet. Si Mama, abala sa pagbutingting sa mga bitbit niya.)
Mama: May dala akong sardinas jan sa bayong. Dinagdagan ko na rin ng
tuwalya at mga bimpo yan kasi tingnan mo na sarili mo. Mukha ka nang kalabaw. Sunog sa araw ang balat. Parang hindi naliligo.
Obet: Karabaw? Grabe man…
(Tatayo ang Mama ipapakita ang laman ng bayong.)
Mama: Tapos may sabon na rin dito tsaka panghilod. Maghilod ka, siguro ni
pagkuskos ki agil-il kad singit mo bago magturog dae mo na nagigibo.
Obet: Ma…
Mama: Pinapagulong ka ba lagi nila dun sa putik? Pagsabihan mo minsan yang
mga komander niyo na magtraining din kayo sa ilog nang makaligo kayo nang maayos, a.
Obet: Ma…
Mama: Jusko, Obet. Hindi kita pinagtyagaan palitan ng lampin simula nang bata
ka para lang pabayaan mo ang sarili mo nang ganyan.
Obet: Ma, okay lang po ako.
Mama: Anong okay? Tingnan mo nga sarili mo? Para kang walang Nanay. Ang
haba ng buhok, naninilaw na ang mga ngipin. Kaya sinabayan ko na rin
jan sa supply mo ng pang-ahit at sipilyo at pati ‘yon nakakaligtaan mo
7
- Tapos tingnan mo yang mata mo, lubog na lubog. Natutulog ka pa ba? Baka magkasakit ka niyan sa puso sa pagpupuyat. Porjosporsanto, Obet, tandaan mo ha, tao ka, hindi ka kuwago. Matulog ka, maglaba, kumain ka ng maayos, alam kong mahalaga sa inyo ang pag-aaral na yan pero wag mo namang pabayaan ang sarili mo. Ampayat-payat mo na tapos tingnan mo pa, ultimo kuko mo hindi mo magupit…
(Yayakapin ni Obet si Mama.)
Obet: Opo, Ma. Salamat po.
(Kakalas si Mama sa yakap.)
Mama: Sus, wag mo akong dinadaan sa mga ganyan mo. Kilala kita. Panigurado
may kailangan ka na naman. Ano? May ipapabili na naman kayo sa bayan? Baterya sa radyo? Flashlight? Pagkain? Gamot? Sabon?
(Nakangiti lang si Obet habang pinagmamasdan ang Mama.)
Mama: Ano?
(Hahalikan ni Obet si Mama sa ulo.)
Obet: Wala po. Natutuwa lang po ako sa inyo. Mama ko talaga. Nerbyosa.
Bawas-bawasan mo na ang pag-inom ng tinutungang bigas. Nagiging
kaboses mo na si Tiya Binying. Su paratinda baga ki sinapot sa merkado,
su garu kudkudan su ngimot kun minataram.
Mama: Tigilan mo ako.
(Saglit.)
Mama: Sino ba naman ang hindi maninerbyos sa sitwasyon ko? Sa tuwing aalis
ka, ni hindi ko alam kung sa sunod na pagkikita natin sisipot ka pa, ni
hindi ko alam kung nakakakain ka nang maayos, kung inaalagaan ka ba
nila doon sa bundok, kung makakabalik ka pa ng buhay? Sinong Nanay
ang hindi ninerbyusin sa ganun?
Obet: Ma! Okay lang po ako.
Mama: Tigil-tigilan mo ako jan sa okay-okay mong yan.
(Katahimikan.)
Mama: Bakit ngayon ka lang? Late ka na naman ng halos isang oras.
8
(Hindi sasagot si Obet.)
Mama: Kumain ka na ba? May dala akong pinakuluan na saging na saba. Eto, o.
Kumain ka.
(Aabutin ni Mama ang isang kaldero na may lamang pinakuluang saging para alukin si Obet. Kukuha si Obet ng saging. Kakain.)
Mama: Hindi ka pa ba napapagod diyan sa gawain mo, Nak?
Obet: Aaminin ko, oo. Madalas, lalo na kapag may nababalitaan akong
namamaalam na kasama, umaalis, o di kaya’y bumabaliktad,
nakakaramdam ako ng pagod. Pero sa tuwing may natutulungan
kaming mga tao, Ma, nawawala ‘yon bigla. Kagaya noong mabalik namin
sa mga magsasaka yung kalabaw nila na kinuha ng may-ari ng lupa sa
karatig-bayan noong isang buwan, ang saya-saya ko noon. Pakiramdam
ko, parang ako si Papa. Pero mas masaya ang mga magsasaka. Sa wakas,
nabawi namin ang lupa na dapat para sa kanila. Hindi na sila pwedeng
agawan ulit ng kalabaw ng mga landlords para lang magbayad sa isang
lupang wala naman dapat nagmamay-ari kundi silang mga nagsasaka
dito.
(Saglit. Nakikinig lang si Mama pero proud na proud siya sa anak sa kaloob-looban nito.)
Obet: Sigurado na ako dito sa pinasok ko, Ma. Pakiramdam ko, ito ang misyon
ko sa mundo. Ang magsilbi sa kapwa. Sabi nga ni Papa…
Sabay: Hindi baleng mapagod, basta may ani pagkatapos.
Obet: Alam mo naman pala, e.
Mama: Sa halos araw-araw ba naman yang sinasabi, hindi ko pa makakabisa?
(Saglit.)
Obet: Masarap itong saging, Ma, a. Alam na alam mo ang gusto ko. Manibalang.
Hindi gaanong hinog, hindi rin gaanong hilaw. Sakto ang tamis. Parang pagsusuri walang halong pakla.
(Saglit.)
Mama: Maayos ba ang trato nila sayo doon?
Obet: Ang tawag nila sa bawat kasapi ay kasama. Kapatid po ang turingan
namin. Hindi po nila ako pinapabayaan doon, Ma.
9
Mama: Mabuti kung ganoon.
(Saglit.)
Mama: Masaya ka pa ba talaga jan, Nak?
Obet: Mas nararamdaman ko ang buhay sa bundok, Ma. Doon, walang angat o
inaapakan. Lahat pantay-pantay. Doon, pawang pag-unlad ng masa ang
iniisip ng lahat. Pag-unlad ng bayan, natin. ‘Yong mga tao doon, parang
nabuhay hindi para sa sarili, kundi para sa iba. Walang makasarili. Ano
kaya, Ma, kung bumisita ka doon para maki…
(Puputulin ni Mama ang pagsasalita ni Obet.)
Mama: Pano kung hilingin ko sa’yong wag ka nang bumalik doon?
(Saglit. Matatawa nang bahagya si Obet.)
Obet: Nagbiro na naman ang Mama. Alam mo naman po kung bakit ako
sumapi sa kilusan diba?
Mama: Pano kung hilingin ko sayong sumuko ka nalang sa pinaglalaban ninyo?
Obet: Ma, sandale? Naririnig niyo po ba ang sarili niyo? Alam mo naman kung
paano ako nagsimula at kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon, di ba?
Mama: Pano kung sabihin ko sayong ibigay nalang natin sa kanila ang hinihingi
nila? Para wala nang gulo. Hindi na nila kayo saktan. Hindi niyo na kailangang mamundok. Sumuko nalang tayo, Nak.
Obet: Nagbibiro na naman ang Mama. Para ko naring sinukuan niyan si Papa
at ang ibang nagbuwis ng buhay para sa ipinaglalaban natin kung gagawin ko yan.
Mama: Anak, lupa lang yun.
Obet: HINDI MA!
(Saglit.)
Obet: Hindi lang yun basta lupa lang, Ma. Yun ang lupang kinalakihan ko. Lupa
na pinaglaban ni Papa para hindi mabungkal ng mga kapitalista, lupa na
naging kapalit ng buhay ni Papa. Lupa natin, Ma. Sa atin, hindi sa kanila.
Mama: PERO HINDI NIYO NGA SILA KAYA!
10
(Katahimikan.)
Mama: Marami na ang nagbuwis ng buhay para sa lupang sinasabi mo.
Obet: At hindi ko hahayaang masayang ang lahat ng iyon at sukuan nalang ang
laban.
Ma, nakita ko kung paano pinaglaban ni Papa ang lupa. Hindi ko hahayaang masayang na lang lahat ng pagod niya pati pagbubuwis ng buhay dahil lang sa pinanghinaan tayo ng loob.
(Katahimikan.)
Obet: Tandang-tanda ko pa ang araw na yun. Biyernes, Agosto bente tres,
limang taon na ang nakaraan. Nagpatawag si Papa ng pulong sa mga
magsasaka dito sa bayan para ipaliwanag ang mga karapatan nila sa
lupa alinsunod sa bantang pagpapatayo dito ng airport. Sa kalagitnaan
ng pagpupulong, biglang pumasok ang mga militar. Pinagbabaril nila si
Papa. Si Papa na isang simpleng organisador na walang kaalam-alam
kahit man lang sa paghawak ng kahit na anong armas, pero
pinaratangan nilang rebelde dahil sa kakayahan nitong magsalita at
mamuna sa kakulangan ng gobyerno. Sa burol, halos walang gustong
makiramay sa atin, dahil takot ang mga tao na mapagbintangan rin
silang rebelde gaya ni Papa. Nagluksa tayo, na tayo lang, walang gustong
lumapit dahil lahat takot madamay. Ganoon sila kahayop Ma. Kaya
nilang patayin ang isang simpleng magsasaka sa harap nang wala pang
halos kamuwag-muwang na bata noon at dalhin tayo sa kahihiyan ng
isang bagay na hindi mo naman dapat ikahiya.
(Saglit.)
Halos hindi natin makilala ang bangkay noon ni Papa, Ma. Bakit nila nagawa sa atin ‘yon?
Mama: Dahil kaya nila Nak.
Obet: Hindi yun batayan para kumitil ng buhay.
Mama: Obet, makinig ka!
Obet: Ang tagal na nating nakikinig, Ma, oras naman para tayo ang magsalita.
(Iaabot ni Mama ang isang papel kay Obet. Bubuksan ito ni Obet. Babasahin.)
(Katahimikan.)
11
Mama: Tanda mo ang bilin mo sakin na wag basta-basta pipirma sa ano mang
dokumento? Noong isang araw may dalawang lalakeng pumunta sa bahay. Inabot yan saakin.
Obet: Memorandum of Agreement?
Mama: Kasunduan. Nakasaad diyan na…
Obet: Binibenta natin ang lupa kapalit ng sampung libong piso? Ma!
Kalokohan to.
Mama: Patapusin mo ako!
(Saglit.)
Mama: Hindi ko yan pinirmahan. Sabi ko, pag-iisipan ko muna. Bago sila umalis,
nag-iwan pa sila ng isang papel. Kumpara jan, mas madali tong maunawaan.
(Ibibigay ang isang gusot na papel kay Obet.)
Mama: Binantaan tayo na pwersahang paalisin sa lupa kung hindi tayo
sumunod sa gusto nila.
Obet: Mga hayop talaga.
Mama: Ibigay na natin sa kanila ang lupa, Nak. Hindi sila titigil hanggang hindi
natutuloy ang airport na yun.
Obet: Ma, hindi niyo po ako naiintindihan…
Mama: Marunong na akong gumawa ng pamaypay. Kaya kong kumita ng
wanhandred payb sa isang linggo. Kahit hindi na tayo magsaka, may pagkakakitaan pa rin tayo.
Obet: At saan kayo titira?
Mama: Kahit saan. Sa kabilang bayan, mangupahan tayo. Sa Maynila. Oo! Tama!
Sa Maynila. Makipagsapalaran tayo sa Maynila, Nak. Pwede ka doon
magtrabaho. Sa construction. Walang mga militar sa Maynila. Ligtas
tayo doon.
Obet: Wala tayong kamag-anak sa Maynila, Ma. Ni wala nga tayong kakilala
doon. Saan tayo magsisimula?
(Mag-ooverlap ang sagutan ng dalawa.)
12
Mama: | Magagawan natin yan ng paraan. Basta subukan lang natin muna anak…. | |||||||
Obet: | Hindi | ako | Mama: | Ayoko | lang | naman | ||
makakapayag, | Ma. | magaya | tayo | sa | iba | |||
Hindi papayag si Papa. | nating | kapitbahay | na | |||||
Alanganin | ang | lumaban | kaya | |||||
sitwasyon | natin | kung | kinitilan nila ng buhay. | |||||
lumabas | pa tayo ng | Ayokong dumating sa | ||||||
Maynila sa edad mong | punto | na | may | |||||
yan. | sumunod na naman sa | |||||||
papa mo. | ||||||||
Mama: | AYOKONG MAWALA KA! | |||||||
(Katahimikan.) | ||||||||
Mama: | Ayaw kitang mawala, Anak. Akala mo ba, madali lang sa’kin to? Halos | |||||||
araw-araw, may umaaligid sa bahay na mga militar. Hindi ko alam kung | ||||||||
inaabangan kang umuwi o tinatakot lang ako pero nagiging epektibo na | ||||||||
ang pananakot nila, Nak. Takot na takot na ako! Halos buwan-buwan | ||||||||
may pinapatay sa lugar natin dahil sa lupa na yan. Ayokong ikaw na ang | ||||||||
sumunod. | ||||||||
(Katahimikan.) | ||||||||
Mama: | Ikaw nalang ang meron ako. Hindi ko kakayanin kung mawala ka. | |||||||
(Static ng radio.) | ||||||||
Radio: | Patay ang tatlong lalake matapos ang isang engkwentro ng mga sundalo | |||||||
kontra sa rebeldeng grupo sa bayan ng *Static* ayun sa report, | ||||||||
hinihinalang miyembro ang mga ito ng New People’s Army at | ||||||||
nabalitaang *Static* Kinilala ang mga bangkay na sina… | ||||||||
(Papatayin ni Mama ang Radio. Mahabang katahimikan.) | ||||||||
Obet: | Tayo na ang inagrabyado, tayo pa ang mali? Walang mali sa paglaban, | |||||||
Ma, may mali kaya may lumalaban. At kung pagbubuwis man ng buhay | ||||||||
ang kapalit para ipaglaban ko ang mga kasama natin, ang lupa, si Papa. | ||||||||
Hindi ako magdadalawang isip na ilagay ang buhay ko sa alanganin. | ||||||||
(Saglit.) | ||||||||
Mama: | Anong oras ka aalis? |
13
Obet: Maya-maya po. Pagdating ng sundo ko.
Mama: Anong araw ka babalik?
Obet: Yun na nga po ang sadya ko dito, Ma. Magpapaalam na po sana ako.
Baka kasi, hindi na ako makabalik.
(Saglit.)
Nabalitaan niyo naman po siguro.
Mama: Hindi. Hindi yun totoo. Nandito ka. Kausap kita. Nakikita. Nahahawak…
Hindi. Hindi ako naniniwala. Babalik ka pa rin. Dito. Oo. Sa a-kinse.
Kukuha ka ng mga gamit. Mangangamusta ka sakin. Makikipag-usap.
Hindi yun totoo. Hindi ikaw yun. Hindi ako naniniwala. Hindi, Nak! Hindi ka pa patay!
Obet: Ma.
Mama: Hindi ka namatay.
Obet: Di ba dapat kahapon pa tayo magkikita dito? Excited pa nga ako kasi,
bertday ni Papa at dadalawin natin siya. Kaso, nakaengkwentro namin
ang mga militar sa daan. Sayang nga, takam na takam pa naman ako nun
sa niluto mong latik.
(Lalapitan ang Mama.)
Obet: Ma. Tahan na po. Katawan ko lang po ang namatay, hindi ang mga
memorya ko sa inyo. Habang buhay niyo pa rin po akong makakasama.
Kami ni Papa. Mabubuhay pa rin kami sa yong mga alaala.
Mama: Ang daya niyo naman, e. Pinagluto niyo pa ako ng latik, wala naman pala
sa inyong kakain.
(Yayakapin ng anak si Mama.)
Mama: Manang-mana ka talaga sa Papa mo.
(Saglit.)
Obet: Ma, tanda mo nung tinatanong mo ako dati kung ano ang ginagawa ng
mga paruparo bukod sa paglipad? Ngayon alam ko na po ang sagot.
Nagpupunla po sila. Nagpaparami ng mga bulaklak na sisibol upang mas
maging maganda ang ating hardin.
14
(Saglit.)
Obet: Lumipad na ang paruparo, Ma. Oras na po. Magpapaalam na po ako.
(Patlang.)
Obet: Paalam po, Ma.
(Akmang paalis na si Obet pero muling lilingon pagsalita ni Mama.)
Mama: Kasama. Tawagin mo akong kasama.
Obet: Paalam, Kasama.
(Aalis si Obet. Maiiwan si Mama. Kukunin ang papel. Pupunitin ito. Kukunin ang mga gamit. Aalis. Dilim.)
-Telon-