i.
Hindi makapaniwala si Belai nang matanggap ang kanyang mga tula sa kauna-unahang Amanda Pahina National Writers Workshop para sa mga baguhang manunulat. Isang linggo bago ang ng pagsisimula ng palihan, nakahanda na ang lahat ng kanyang dadalhin sa Maynila.
Nakasilid sa isang malaking bayong ang mga sumusunod: limang blusang kulay-itim, banig na may kakaibang markang nakaguhit, tatlong garapon ng gayumang luto ng kanyang ina, isang kuwadernong naglalaman ng salamangka ng kanyang pamilya, sampung agimat na siya mismo ang gumawa at mga piyaya.
Isang araw bago ang palihan, namangka si Belai mula sa isla ng Siquijor patungo sa Dumaguete. Mula sa lungsod ay sumakay siya ng salipawpaw papuntang Maynila. Gabi na nang makarating ang sinakyan niyang taxi sa Prophecy Hotel kung saan gaganapin ang palihan nang limang araw.
Unang beses niyang makapasok sa isang hotel. Wala siyang kaide-ideya kung paano gamitin ang elevator na itinuro ng front desk officer matapos ibigay ang susi niya sa kuwarto.
?Nasa?n ang bukasan?? tanong ni Belai sa babaeng nasa counter.
?Just press the button,? sagot nito.
?Ito ba??
?Yes. Just press it.?
Namangha si Belai nang biglang umilaw ang marka sa pindutan. Naalala niya ang mga markang iginuguhit ng kanyang ina sa pader ng kanilang bahay sa tuwing magtatawag ng engkanto o diwata.
?Sa kabilang mundo ba ang tagos ng lagusang ?to?? muli niyang tanong.
?Ha?? Napakunot ang noo ng babae.
Hindi na nakuha ni Belai ang sagot na hinahanap sa pagtunog ng matinis na Ting! Bumukas ang pinto ng elevator. Sumampa siya sa loob at ligayang-ligaya nang makita ang sarili sa pader na yari sa salamin.
?Miss, don?t forget to tap your card,? sabi ng front desk officer bago tuluyang nagsara ang pinto ng elevator.
Hindi naman naintindihan ni Belai kung ano ang gustong ipagawa sa kanya ng babae. Pinagtataktak niya ang key card sa kung saan-saan: sa salamin, sa puwang sa pinto, sa mga de-numerong butones sa gilid. Nagkataon lang na natapik niya ang isang maliit na kahon sa gilid ng pintuan kaya gumana ang elevator. Kusa iyong umakyat papunta sa kanyang palapag.
?Siguradong pagagalitan ako ni Nanay kapag nalaman n?yang naglakbay ako sa kabilang mundo nang mag-isa,? sabi niya sa sarili.
Ting!
Bumukas ang pinto ng elevator pagdating sa ikalabing-apat na palapag. Dumungaw muna si Belai sa labas, tumingin sa kaliwa?t kanan, bago tumuntong sa pasilyo. Hindi siya makapaniwalang walang ingay ang kanyang tsinelas habang humahakbang sa ibabaw ng daanang alpombra.
?Ayun,? sabi niya nang matanaw ang numero sa pinto na katulad ng numerong nakasulat sa hawak niyang card. Tinapik niya ang iyon sa maliit na kahon sa gilid ng pintuan. Nadinig niya ang pagpihit ng kandado sa loob.
Nanlaki ang mga mata ni Belai nang makita ang dalawang kama sa loob ng kuwarto. Napayakap siya sarili nang kumapit sa kanyang kayumangging balat ang malamig na hangin mula sa air conditioner. Hindi pa rin siya makapaniwala sa suwerteng tinamo nang dahil lang sa mga isinulat niyang tula.
?Daq?ang almat!?
Natigilan lang siya sa pagkamangha nang maalala ang ina. Hinablot niya ang banig na nakarolyo sa loob ng kanyang bayong at inilatag sa sahig.
Nakaguhit sa gitna ng banig ang isang bilog na may pabaligtad na tala sa loob. Ang bawat tatsulok naman sa tala ay may nakasulat na simbolo na tanging si Belai at ang kanyang ina lamang ang nakakaintindi.
?Huwag na huwag mong papatakan ng dugo ang bilog na marka nang wala ka sa loob,? paalala sa kanya ng Nanay niya bago umalis. ?Baka magalit ang Tatay mo kapag tinawag mo siya nang bigla-bigla.?
Ganoon nga ang ginawa ni Belai. Sumampa muna siya sa ibabaw ng banig at naupo sa loob ng bilog bago sinugatan ang sarili at pinatakan iyon ng dugo. Sa pagdampi ng kulay-pulang likido sa banig ay biglang nagliwanag ang marka tulad ng bilog na pinindot niya sa gilid ng elevator.
?Anak!? Narinig ni Belai ang boses ng ina sa loob ng kanyang ulo.
?Nay,? sagot niya sa isip. ?Nandito na ako sa Maynila, kakadating lang sa hotel. Ang gara pala dito, mas mabilis ang pagpunta nila sa kabilang mundo. Di mo na kailangang mag-alay ng dugo para makadaan sa lagusan. Tatapikin mo lang ng card.?
?Talaga ba? O, basta mag-iingat ka, ha? Alalahanin mo ang lahat ng sinabi ko sa iyo. Huwag kang magpapagutom. Ingatan mo rin ang banig mo at baka mawala. Mahirap na. Maraming mandurukot d?yan sa Maynila.?
?Oo, Nay. Ligtas naman dito sa hotel. May bantay sa labas saka hindi basta-basta makakapasok sa mga lagusan nang walang card.?
?Mabuti naman. O, s?ya. Magpahinga ka na. Galingan mo, Anak. Ipamalas mo ang husay ng ating angkan sa paglikha ng mahihiwagang tula. Ind?wa l?ha.?
?Ap?aka b?har, Nay. Akong bahala.?
Naglaho ang liwanag nang umalis si Belai sa loob ng marka. Sakto namang narinig niya ang pagpihit ng pinto sa kanyang silid. Pumasok ang isang dalagang nakasalamin, kulot ang buhok at mukhang mas bata sa kanya ng apat o limang taon. Hatak-hatak nito ang isang de-gulong na maleta at sukbit sa balikat ang isang kulay-rosas na bag.
Nagkatitigan sila saglit bago ibinaling ng dalaga ang paningin sa nakalatag na banig sa sahig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansin ang kakaibang markang nakaguhit doon. Nangiti siya at bumulong sa sarili, ?Astig.?
ii.
?Para sa ?yo.? Inabot ni Belai ang pulseras kay Wela, ang kanyang kasama sa kuwarto na kasali rin sa APNWW. ?Ako gumawa n?yan.?
?Wow, Belai, thank you,? sabi ng bago niyang kaibigan. ?Isa ka talagang artist. Imagine, nagsusulat ka na ng tula, tapos gumagawa ka pa ng bracelet.?
?Gawa ?yan sa sungay ng demonyo.?
?Astig!? Isinuot ni Wela ang pulseras sa kaliwang pulso. Itinapat niya iyon sa ilaw ng sinasakyang elevator at napansin ang pagkislap ng bawat butong nakakabit doon sa tuwing tatamaan ng liwanag.
Ting!
Bumukas ang elevator at tumambad sa kanila ang isang malawak na bulwagan kung saan gagawin ang palihan. Apat na parihabang mesa ang nakalagay nang paikot sa gitna ng bulwagan, at nakalagay sa ibabaw niyon ang mga pangalan ng kalahok at panelista.
Hinanap nina Belai at Wela ang kanilang pangalan. Nagkatinginan sila at sabay na nangiti nang makitang magkatabi ang kanilang upuan. Pinuntahan nila ang puwesto malapit sa white screen at projector. Bago makaupo, narinig nila ang pagyaya ng isa sa mga naunang dumating sa bulwagan.
?Breakfast?? malambing na sabi ng isang babaeng nakamaong na pantalon at kulay-puting blusa.
?Ay, salamat, ma?m,? sagot ni Belai bago tumungo sa buffet table.
?Si Marina Torrecampo ?yun,? bulong ni Wela sa kanya.
?Sino s?ya??
?Di mo kilala si Marina?? Pigil na pigil ang boses ng kanyang kaibigan. ?S?ya ?yung sumulat ng Two Nights in Sagada. Ang astig kaya ng novel na ?yon. Isang linggo yata akong umiyak sa room ko dahil sa ending.?
?Talaga? Wala kasing tindahan ng libro sa isla namin kaya bihira akong makabasa ng ganyan. Ang meron kami, orasyon saka mga aklat ng basbas.?
?Astig.?
Sunud-sunod na nagsidatingan ang mga tanyag na makata at kuwentistang magsisilbing panelista at ang iba pang kalahok sa palihan. Kilig na kilig si Wela habang pinagmamasdan ang mga iniidolong manunulat. Wala namang pakialam si Belai habang nagpapakabusog sa mga pagkaing noon lang niya natikman.
Nang matapos ang almusal, nagsalita ang direktor ng palihan?ang makatang si Dr. Vicente Palmero. Matapos ang pambungad na pananalita, inanyayahan niya ang mga kalahok na magpakilala.
?Good morning,? bati ng kaibigan ni Belai. ?Ako po si Rowela Tolentino. Wela for short. Isa po akong aspiring novelist, at fans na fans ko po kayo, Ms. Marina. Super love ko po ?yung Two Nights in Sagada. Ang astig po, sobra! Pwede pong magpa-autograph??
Ngumiti si Torrecampo at humigop ng kape, pero hindi nito pinaunlakan ang hiling ng baguhang manunulat. Napilitan tuloy si Wela na iabot sa katabi ang hawak na mikropono.
?Magandang umaga. Ako po si Belai, galing Salagdoong sa isla ng Siquijor. Isa pong malaking karangalan ang mapasali sa palihang ito, kaya maraming salamat po. May dala po pala akong piyaya at mga pulseras para sa inyo.?
Tumayo siya at inabot ang mga pasalubong sa mga kasamahang nakaupo sa palibot ng mesa. Ibinigay niya ang piyaya kina Torrecampo, Dr. Palmero at Bert Casimiro, ang sumulat ng Ibong Adarna Redux at Kuwago Trilogy.
Ang walong pulseras na kanyang ginawa ay ibinigay niya sa mga kapwa-kalahok sa palihan?sina Ivan, Marky, Joshua, Lito, Meruel, Angelika, Noriane at Vindra. Tiningnan lang ng mga ito ang pulseras pero hindi isinuot.
?Nakakatakot naman ang mga tao dito,? bulong ni Belai kay Wela nang makabalik sa upuan. ?Ang seseryoso lahat.?
Hindi nakasagot si Wela, dinadamdam pa rin ang hindi pagpansin sa kanya ng iniidolong manunulat. Wala namang nagawa si Belai kundi manahimik na lang din.
Matapos magpakilala ng lahat, muling nagsalita si Dr. Palmero para isa-isahin ang mga alituntuning dapat sundin ng bawat kalahok habang nasa palihan:
- Inaasahang ang bawat kalahok ay tatalakayin nang husto at bubusisiin ang mga akdang itinalaga sa kanila.
- Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas sa hotel habang idinadaos ang talakayan.
- Bawal ang uminom ng alak at manigarilyo sa loob ng hotel.
?Nasa piitan ba tayo?? bulong muli ni Belai sa kaibigan, pero hindi siya nito pinansin. Nang tingnan niya ang mukha ni Wela, napansin niya ang namumugto nitong mata. Tatanungin na sana niya ito nang bigla siyang tawagin ni Dr. Palmero.
?Do you have any question, Belai??
?Ay, wala, ser.?
?Please keep in mind that this is a national writers? workshop, and we don?t want you, fellows, to slack off. You?re expected to deliver and become better wordsmiths by the end of this.? Saglit na tumigil si Dr. Palmero at tiningnan ang piyaya sa kanyang harapan. ?And we won?t be bought by such provincial provisions.?
Napayuko si Belai. Nanikip ang kanyang dibdib. Agad niyang dinukot ang isang garapon mula sa kanyang sisidlan. Tinanggal niya ang takip at mabilis na tinungga ang kulay-itim na likidong nasa loob nito.
Nalukot ang kanyang mukha sa paglunok ng mapait na inumin, pero agad naman siyang kumalma pagkatapos uminom. Lihim siyang nagpasalamat sa inang nagpabaon sa kanya ng gayuma.
?Belai!? sigaw ni Dr. Palmero. ?Didn?t I just tell you that alcoholic drinks are not allowed here??
?Ay, ser, hindi ?to alak. Pampalakas ng loob ?to.?
?And that?s exactly what an alcoholic drink is. Give me that.?
Napilitan si Belai na iabot sa direktor ang garapong wala nang laman. Bago pa may makapansin, itinago na niya sa ilalim ng mesa ang dalang sisidlan na naglalaman ng natitira pang mga gayuma.
iii.
Pigil na pigil ang ihi ni Belai habang pinapakinggan ang talakayan ng kuwentong isinulat ni Angelika. Hindi naman siya makaalis sa upuan dahil takot siyang mapagsabihan na naman ni Dr. Palmero.
?Maganda ang premise ng iyong kuwento,? sabi ni Casimiro. ?Kaya lang, ang dami kong nakitang butas sa plot. Kumbaga sa pagkain, para siyang wedding cake na ang ganda-ganda ng hitsura, ang laki-laki, pero nang hiwain ko na, chiffon cake lang pala na ang dry-dry at kulang sa tamis.?
?Umpisa pa lang po kasi s?ya ng story ko,? paliwanag ni Angelika. ?Balak ko po s?yang gawing novel, then du?n sa succeeding chapters ko po balak i-explain ?yung mga nakita n?yong plot holes.?
Kaunti na lang at bubuhos na talaga ang nakaimbak na ihi sa pantog ni Belai. Gustung-gusto na niyang mag-May I go out sa kahit na sinong panelista, pero lalo namang tumindi ang balitaktakan kaya hindi siya makasingit.
?Hija,? sabi ni Casimiro, ?hindi mo maaaring gawing palusot ang pagsusulat ng nobela para punan ang kakulangan ng iyong maikling kuwento. Dapat, sa umpisa pa lang, ma-hook mo na agad ang iyong mambabasa. Dapat ay may panghawakan na agad sila sa iyong istorya upang sa gayon ay di na nila bitawan ang iyong libro.?
?Pero 10,000 words lang po kasi ?yung maximum na requirement n?yo sa workshop. Pinili ko lang po ?yung pinaka-exciting na part sa novel ko.?
?Ten thousand words is long enough. Mahaba na iyon para masabi ang dapat mong masabi sa isang kuwento, kahit nobela pa iyan o short story. At hindi ka dapat nag-cut-and-paste ng parte sa novel mo na parang turistang namimitas ng strawberry sa Baguio. Dapat alam mo kung ano ang pinipitas mo.?
Naramdaman ni Belai ang pagtakas ng kaunting ihi sa paligid ng kanyang ari, kaya walang-galang na siyang tumayo at tumakbo palabas ng bulwagan.
Pagkaupo sa inodoro, halos marinig niya ang sariling kaba na dulot ng pagpipigil ng ihi at ng natunghayang talakayan. Parang ayaw na niyang bumalik sa bulwagan. Parang mas gusto niyang dumiretso sa kuwarto, bitbitin ang mga gamit at umuwi sa Siquijor.
?Nay?? bulong niya sa sarili.
Kinuha ni Belai ang isa sa dalawang natitirang garapon at tinungga iyon hanggang sa huling patak. Gumuhit sa kanyang lalamunan ang init, at nagsipagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan. Muli siyang nagkalakas ng loob para bumalik sa bulwagan.
Nakahinga siya nang maluwag nang walang sumita sa kanya. Saglit lang siyang tinapunan ng tingin ni Dr. Palmero bago ibinalik ang atensiyon sa kalahok na nagsasalita. Si Wela na ang nakasalang.
?Malaki po talaga ang influence sa akin ng Two Nights in Sagada ni Ms. Marina, kaya ?yun din po ang naging basehan ko sa pagsusulat ng kwentong ito,? sabi ni Wela.
?You know, Wela,? sabi ni Torrecampo, ?one of your biggest responsibilities as a writer is to have your own voice.
?I appreciate the fact that you love my stories, that you draw inspiration from my work, but I think your style is too similar to my style. Even when naming your characters, parehong-pareho. For instance, I have Mimi Mariposa and yours is Maimai Butterfly. What kind of a name is that??
Sumabog ang malakas na halakhakan sa loob ng bulwagan. Kahit si Angelika na halos maiyak-iyak kanina ay nakitawa na rin. Tanging sina Belai at Wela lamang ang hindi kumibo.
Humupa lang ang tawanan nang itaas ni Dr. Palmero ang kamay at sabihan si Ivan na magsimula sa kanyang diskurso. Inabot ng mahigit isang oras ang huling talakayan sa araw na iyon, pero wala nang naiambag si Belai at si Wela. Pareho silang napipi dahil sa bigat ng mga salitang binibitawan ng mga kasama sa palihan.
iv.
Kinagabihan, habang naliligo si Wela, muling inilatag ni Belai ang banig sa sahig. Naupo siya sa gitna ng bilog, sinugatan ang daliri at pinatakan ng dugo ang marka. Nagliwanag ang mga guhit sa banig at muli niyang narinig ang boses ng ina sa kanyang isip.
?Kumusta, Anak??
?Nay,? sagot ni Belai, ?parang gusto ko nang umuwi. Ayoko na dito. Sobrang gagaling nilang lahat. Parang wala silang nakikitang maganda du?n sa mga sinulat ng mga naunang sumalang.?
?Di ba ganyan naman talaga? Kaya kayo pinupuna dahil gusto nilang mapabuti ang mga gawa ninyo. Ano bang inasahan mo??
?Ano??
?Belai, huwag kang matakot. Wala ka bang tiwala sa mga tula mo? Saka may mahika ang sulat mo. Sigurado ako, kapag nabasa na nila iyon, mamamangha silang lahat. Isa pa, di ba pinabaunan kita ng gayuma para pampalakas ng loob mo??
?Ayun nga, Nay. Nakadalawang garapon na ?ko kanina. Isa na lang ?yung natitira.?
?Ay, maryanong garapon! Gano?n ba katindi iyang palihan na ?yan? Hindi man lang tumagal ng isang araw ang bisa ng gayuma ko? Humihina na yata ang salamangka ko.?
?Hindi, Nay. Mabisa naman ?yung gayuma. Ako lang talaga itong mahina ang loob sa ganitong mga bagay. Ang huhusay pa nila. Kumbaga sa atin, pangmangkukulam lang ang gawa ko. Sa kanila, pandiwata?t engkanto.?
?Ay, Belai, ?wag kang magsalita ng ganyan. Nananalaytay sa ugat mo ang dugo ng mga diwata?? Saglit na natigilan ang kanyang ina. ?At ng isa pang nilalang.?
?Oo, Nay. Alam ko naman ?yon. Kinakabahan lang talaga ako. Bukas ako na ang sasalang. Panigurado, mauubos ko na ang huling garapon ng gayuma.?
?Hayaan mo, Anak. Iaawit kita bukas sa mga espiritu ng hangin at tubig para gabayan ka. Kung sakaling hindi umabot ang dasal ko at kung maubusan ka na ng gayuma, yakapin mo lang ang banig na dala mo at siguradong lalakas ang loob mo. Alalahanin mo, hindi lang ako ang lumikha niyan.?
?Sige, Nay. Daq?ang almat.?
Paglabas ni Belai sa bilog na marka ay saktong lumabas din si Wela sa banyo. Nakita pa nito saglit ang liwanag sa banig na parang nagbabagang uling bago tuluyang naapula.
?Para saan ?yan?? tanong ng kaibigan niya.
?Ito ba?? Itinaas ni Belai ang tinitiklop na banig. ?Para makausap ko ang Nanay ko. Pwede din ?tong gamitin sa paglalakbay, pero hindi nga lang kasama ang katawan mo.?
?Astig! Cellphone and magic carpet in one.?
Natawa si Belai. ?Parang ganu?n na nga. Di mo na kailangang isaksak para paganahin. Sarili mo na lang ang sasaksakin mo para magkakarga, pero konting-konti lang naman.?
Natawa na rin si Wela. At sa unang pagkakataon sa araw na iyon, nagawa nilang maging masaya kahit panandalian lang.
v.
Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na agad si Belai. Paulit-ulit niyang binasa ang mga sinulat na tula para hanapan ng mga butas na maaaring punahin sa talakayan. Si Joshua ang nakatalagang bumusisi sa kanyang gawa, at si Dr. Palmero naman ang magbibigay ng karagdagang puntos mula sa mga panelista.
?Kung ipakita ko kaya sa kanila para mas maintindihan nila ang tula ko?? bulong niya sa sarili. ?Kaso baka pagtawanan lang nila ako ?pag humiga ako sa gitna ng bulwagan.?
Habang naliligo, lumikha si Belai ng mga eksena sa isip para paghandaan ang nakaambang pagkatay sa mga tula niya: Kapag nagtawanan sila, makikitawa din ako. Ako na ang mauunang manira sa gawa ko para hindi masyadong nakakahiya. Hindi ako kokontra sa kanila kahit pa mali ang intindi nila sa ?kin.
Bago umakyat, isinuksok niya sa kanyang sisidlan ang natitirang garapon ng gayuma at ang papel na naglalaman ng kanyang mga puntos sa sariling tula. Inipit din niya ang nakarolyong banig sa kaliwang braso at sadyang itinago ang mga markang nakaguhit doon.
Siya ang kauna-unahang dumating sa bulwagan kaya minabuti niyang mag-almusal na muna. Habang kumakain, isa-isang nagsidatingan ang mga panelista at iba pang kalahok sa palihan. Kasama na roon si Wela na suot pa rin ang pulseras na ibinigay niya.
?Hindi ka ba kakain?? tanong niya sa kaibigan.
?Mamaya na,? sagot ni Wela. ?Di ko feel na sumabay sa kanila. Baka pati sa pagkain ko, may masabi sila. Kesyo walang originality ang tapsilog ko, o hindi sumasalamin sa realidad ang pagtimpla ko ng kape, o kulang sa danas ang aking pakwan.?
Naghagikgikan ang dalawa sa kanilang puwesto. Pigil na pigil silang mapalakas ang tawa sa takot na mapansin ng mga panelista. Baka pati ang munti nilang kaligayahan ay mabigyan pa ng anotasyon.
vi.
Pangangaluluwa
Isang gabi, ako ay napabalikwas
mula sa mahimbing na pagkakatulog.
Pawis na pawis, hindi makapagpunas,
dibdib ay kumakabog na parang kulog.
Sa hindi ko mawaring kadahilanan,
puso?t isip ay lubos na nangangamba?
mulat ang mata at pinaghahandaan
ang anumang panganib na nakaamba.
Bumilang ako: isa, dalawa, tatlo,
saka tumingin sa kaliwa at kanan.
Ako lang mag-isa ang nasa kuwarto,
ngunit wari ko ay may ibang nariyan.
Kalma lang. Huminga ako nang malalim,
subalit di naibsan ang aking kaba,
bagkus ay lalo pang kumalat ang dilim
sa ibabaw at gilid ng aking kama.
Tirik ang lahat ng aking balahibo
sa katawan. Hindi ako makagalaw
at namamanhid pati ang aking ulo,
tila may pumipigil din sa pagsigaw.
Aking tinipon ang natitirang lakas;
bumilang ulit: tatlo, dalawa, isa!
Bangon agad, nakatayo rin sa wakas.
Naiwan ang aking katawan sa kama.
?Maganda naman ang tula mo,? panimula ni Joshua, ?kaya lang??
Umikot na agad ang mga mata ni Belai nang marinig ang ?kaya lang? sa bibig ng lalaki sa tapat niya. Inasahan na niya ang ganoong pambungad dahil halos lahat ng kalahok at panelista ay ganoon ang sinasabi sa tinatalakay nilang akda.
??parang very simple ang language na ginamit mo at kulang sa metaphor. Kailangan pang i-sharpen ang imagery. Saka siguro dapat mo pang palalimin ?yung tension saka ?yung essence. Iyon lang naman,? sabi ni Joshua.
Ngumiti nang matipid si Belai.
?Belai,? tawag sa kanya ni Dr. Palmero. ?You have what it takes to be a good poet?
But! sinabayan ni Belai ang sikat na makata sa kanyang isip. Hindi niya napansin ang pagbuka ng sariling bibig. Buti na lang at walang boses na lumabas.
?Do you have anything to say, Belai?? putol ni Dr. Palmero.
?Ay, wala, ser.? Parang gusto na niyang magpalamon sa lupa sa mga oras na iyon.
?As I was saying, may patutunguhan ang iyong tula at kita naman ang iyong kakayahan. Kaya lang, nakulangan ako sa movement, sa puso?iyong affect na tinawag. Para lang akong nagbasa ng sobrang ikling kuwento at nabitin sa katapusan. Parang gusto ko pang dugtungan ito ng ilan pang saknong.
?You know, writing is a very personal thing. And when it is something personal, it brings with it a history of persecution, trauma, pain and even your demons. Iyon ang hinahanap ko sa tulang ito, and that?s why it felt bitin.
?So, it would be great if you could extend this or probably make a sequence. You know what? You should study Shakespeare, ?cause there?s so much movement in his sequences. It?s very dynamic. And there?s a plot. It would immensely help if you?d read more works of Shakespeare.?
Tumango-tango si Belai.
?Let?s now hear it from the poet herself,? sabi ng direktor.
Huminga muna siya nang malalim. ?Ano po kasi, ser. Tungkol po iyan sa karanasan ko noong unang beses na makapaglakbay ang aking kaluluwa sa kabilang mundo.?
Narinig ni Belai ang hagikgik ng ilang manunulat sa paligid, pero pinilit niyang huwag iyong pansinin. ?Nakakatakot po kasi talaga kapag ginawa mo s?ya sa unang pagkakataon. Hindi ko nga alam na kaya kong mangaluluwa nang mag-isa. Iyong Nanay ko po kasi, nagpapatulong pa sa ?kin sa tuwing maglalakbay ang kanyang kaluluwa. Sinasamahan ko s?ya palagi para bantayan ang katawan n?ya.
?Sabi ng Nanay ko, baka daw dahil sa dugo ng Tatay ko kaya nagagawa kong mangaluluwa nang mag-isa. Malakas na nilalang kasi ang ama ko. Mas malakas pa sa lahi ng mga diwata?t engkanto.?
Tuluyan nang sumabog ang tawanan sa bulwagan. Napakunot naman ang noo ni Belai. Tanging si Wela lang ang hindi tumawa sa kanila.
?Kung gusto n?yo, ipapakita ko kung paano mangaluluwa,? sabi ni Belai.
Nang walang pumansin sa kanyang alok, dinampot niya ang nakarolyong banig na dinala kanina. Gumapang siya sa ilalim ng mesa para makapunta sa gitna ng pinagdarausan ng talakayan. Humupa ang tawanan nang magsipagtinginan sa kanya ang mga naroon. Inilatag niya ang banig at saka nahiga sa ibabaw ng marka.
Gumapang ang katahimikan sa loob ng bulwagan. Walang maririnig kundi ang mahinang hugong ng air conditioner. Sinamantala ni Belai ang katahimikan para isagawa ang pangangaluluwa. Pumikit siya, huminga nang malalim at binura ang lahat ng nasa isip.
Bumagal ang kanyang paghinga hanggang sa marating niya ang pagitan ng pagkamulat at pagkahimlay. Di nagtagal at naramdaman niya ang paghigop ng di-nakikitang puwersa. Pailalim. Pabagsak. Pakiramdam niya ay nabutas ang kanyang higaan at nahulog sa kailaliman ng lupa.
Pagdilat ni Belai, tumambad sa kanya ang kisame ng bulwagan. Malamlam ang pagkaputi niyon, maging ng buong paligid. Parang kumulimlim bigla sa loob ng silid. Dahan-dahan siyang bumangon. Nakita niya ang sariling katawang nakahiga pa rin sa banig at mistulang patay kundi lang sa marahang pagtaas-baba ng kanyang tiyan.
Wala siyang naririnig, kahit pa ang hugong ng air conditioner. Para siyang nakalubog sa tubig o kaya ay may nakatakip na palad sa magkabilang tenga. Wala siyang kaalam-alam sa pinagsasasabi ng mga tao roon habang pinagtatawanan ang nakahimlay niyang katawan.
?Tinulugan na tayo ni Belai,? wika ni Marky.
?Wala naman daw sa rules na bawal matulog,? sabat ni Lito.
?I think she finds you boring,? bulong ni Torrecampo kay Dr. Palmero.
Inikutan ni Belai ang bawat manunulat at isa-isang hinarap. Nang matapat siya kay Wela, kinawayan niya ito sa tapat ng mukha, pero walang naging reaksyon ang kanyang kaibigan. Saka lang niya napagtantong walang nakakakita sa kanyang kaluluwa.
vii.
Bumalik si Belai sa kanyang katawan at tinapos ang pangangaluluwa. Naupo siya nang hindi dinadampot ang banig na may marka sa sahig.
Kinuha niya ang sisidlan at hinalungkat sa loob ang garapon ng gayuma. Nang makita iyon ay agad niyang dinukot at tinanggal ang takip. Tutunggain na sana niya ang kulay-itim na likido nang biglang sumulpot si Dr. Palmero sa kanyang likuran at hinablot ang garapon.
?What do you think you?re doing, Belai?? Matalim ang boses ng direktor. Natahimik ang lahat ng tao sa loob ng bulwagan. ?First, tinulugan mo kami sa gitna ng talakayan. Tapos ngayon balak mo pang uminom? Are you out of your fucking mind??
Napatakip ng bibig si Torrecampo pagkatapos sumingap, habang si Casimiro naman ay napayuko matapos marinig ang F-word. Kanya-kanyang iwas ng tingin ang mga manunulat na kasali sa palihan. Tanging si Wela lang ang napatayo para sana saklolohan ang kaibigan.
Pero hindi nagpatalo si Belai. Hinablot niya pabalik ang garapong kinuha sa kanya. Tumapon ang kaunting laman niyon at natuluan ang polo barong na suot ni Dr. Palmero.
Nagdilim ang mukha ng direktor. Lalo niyang nilakasan ang paghablot ng garapon sa kamay ni Belai hanggang sa makuha iyon nang tuluyan. Saka siya lumakad pabalik sa kanyang upuan.
Hindi pa rin nagpatalo si Belai. Sinugod niya si Dr. Palmero. Nang isang talampakan na lang ang layo niya rito, tumalon siya at sumampa sa likod ng direktor. Ikinunyapit niya ang dalawang binti sa malapad na tiyan at ipinanyakap ang kaliwang braso sa leeg habang inaabot ng kanang kamay ang garapon.
?Fuck!? sigaw ni Dr. Palmero
Lalong nagkagulo sa bulwagan nang matunggo ng dalawa ang mesa at mga upuan. Nagsipagtayuan ang ibang taong naroon. Pigil ang hininga nila habang pinanonood ang labanan ng bata at matandang manunulat.
?Fuck, Belai! Stop this madness!?
Nagpatuloy ang agawan sa gitna ng bulwagan hanggang sa mapatid sa paanan ng isang upuan ang direktor. Bumagsak silang dalawa sa sahig. Tumilapon ang garapon at nagkapira-piraso nang lumagpak sa banig. Kumalat ang gayuma sa ibabaw ng marka. Agad namang tumakbo si Belai para isalba ang katiting na likidong natira sa garapon. Ngunit bago pa siya makalayo ay dinakma ni Dr. Palmero ang kanyang alak-alakan.
?No!?
Nadapa si Belai at tumama ang baba sa sahig. Natanggal ang isa niyang ngipin at tumalsik papunta sa banig. Napatakan ng dugo ang marka. Pfffm! Bigla iyong nagliwanag na parang nasusunog. Kumulog at kumidlat sa loob ng bulwagan kasabay ng paglabas ng maliit na ipo-ipo sa ibabaw ng marka.
Lumitaw ang isang higanteng demonyo sa ibabaw ng nakabaligtad na tala nang mawala ang ipo-ipo. Abot hanggang kisame ang tatlong sungay ng kampon ng kadiliman. Namumutok ang mga kalamnan nito sa katawan. Maitim at mamula-mula naman ang balat ng demonyo na tila nagbabagang uling. Ang buntot nito ay pitong talampakan ang haba at may talim sa dulo na kawangis ng sa sibat.
?Tay!? sigaw ni Belai.
Lumingon ang demonyo sa direksyon ng nakalugmok na anak. Nanlisik lalo ang mga mata nito at nilabasan ng mga dilang apoy nang makita ang duguang nguso ni Belai. ?SINONG NANAKIT SA AKING BUGTONG NA ANAK??
Parang sunud-sunod na kulog ang dumadagundong na boses ng demonyo. Nakapangingilabot. Sa tindi ng takot na hatid nito, walang nakakibo ni isa sa mga panelista o mga kalahok sa palihan.
Bago pa makasagot si Belai, biglang itinaas ng demonyo ang tulisan nitong buntot. Sa isang mabilis na pagwasiwas, natigmak ng dugo ang buong bulwagan. Nagkulay-pula ang sahig, dingding, kisame, mga mesa at upuan dahil sa nagkalat na laman-loob at bahagi ng katawan ng mga batikan at baguhang manunulat.
Nahati sa sa tiyan ang katawan nina Ivan, Marky, Joshua, Lito, Meruel, Angelika, Noriane at Vindra. Napugot naman ang ulo nina Torrecampo at Casimiro. Si Dr. Palmero, durog ang ulo, leeg, dibdib at tiyan dahil sa lakas ng pagsalpok ng buntot ng demonyo. Tanging mga binti lang nito ang natira.
?BUMANGON KA, ANAK.?
Dahan-dahang tumayo si Belai at lumapit sa ama. Nang makatuntong sa banig ay yumuko ang demonyo at hinalikan siya sa noo. Nawala ang nararamdaman niyang kirot sa biglang paghilom ng mga sugat niya sa mukha.
?Ap?aka b?har, Belshazar,? malambing na sambit ni Belai. ?Daq?ang almat.?
?HINDI NA AKO MAGTATAGAL AT BAKA LUMUSOB ANG MGA KAMPON NG KALU?LWATIAN. IKUMUSTA MO NA LANG AKO SA IYONG INA, ANG AKING REYNA MAR?AI.?
Napaatras si Belai nang muling lumitaw ang maliit na ipo-ipo sa ibabaw ng marka. Nang maglaho iyon ay sabay ring nawala ang kanyang ama. Nanumbalik ang kapayapaan sa bulwagang natitigmak ng dugo.
?Anong nangyari??
Napatili si Belai nang marinig ang boses ng isang babae sa likuran. ?Wela!? Yumakap siya sa kaibigan. ?Buti ligtas ka.?
?Iyon nga ang pinagtataka ko. Bakit hindi ako pinatay ng demonyo??
Ngumiti si Belai. Hinawakan niya ang kaibigan sa kaliwang pulso at itinaas iyon sa pagitan ng kanilang mukha. ?Dahil dito.?
Tiningnan ni Wela ang suot-suot na pulseras na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Wala siyang ibang nasabi kundi ?Astig.?