Karayom

‘Sanlibong tinik gumapang, pumanhik binikig ang mga titik sa mapayapang paghibik Bawal ang pag-ihi marahang dumampi labi ng bote sa labi napuno ng luwalhati Salisihang namamaluktot Reta-retaso ang kumot laging may bantulot “Kailan makalilimot?” Natatastas na diwa doo’y nakita ga-karayom ang halaga manggagawang makinarya

‘Sanlibong tinik
gumapang, pumanhik
binikig ang mga titik
sa mapayapang paghibik

Bawal ang pag-ihi
marahang dumampi
labi ng bote sa labi
napuno ng luwalhati

Salisihang namamaluktot
Reta-retaso ang kumot
laging may bantulot
“Kailan makalilimot?”

Natatastas na diwa
doo’y nakita
ga-karayom ang halaga
manggagawang makinarya



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *