sapo-sapo ang daigdig 

sa palad

ang bilugang hubog 

marahang-marahan 

tinutuklap ang balat 

na parang alaala

hanggang marating 

ang pinakaubod 

ang pinakatatago

tinatahak ng daliri 

ang laberinto ng likido 

hanggang pumailanlang 

sumaboy ang katas

magpasirko-sirko 

sa isipan

hanggang magmantsa 

mag-iwan ng tinta

sa puting damit 

magmamarka

ang seksuwalidad 

tulad nitong bunga


This literary piece is part of Katitikan Issue 4: Queer Writing.

By Leo Baltar

Kasalukuyang kumukuha si Leo Cosmiano Baltar ng kursong BA Journalism sa Unibersidad ng Pilipinas – Diliman. Nagsusulat siya ng tula sa Filipino at Ingles. Nailathala na o mailalathala pa lamang ang kaniyang mga akda sa The New Verse News (New York), Hong Kong Protesting, proyekto ng Cha: An Asian Literary Journal, 聲韻詩刊 Voice & Verse Poetry Magazine (Hong Kong), & (Ampersand), Vox Populi PH, Philippine Collegian, Dagmay.online, SunStar Davao, INScapes, at sa iba pang lunan. Mababasa rin ang kaniyang mga artikulo sa Tinig ng Plaridel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.