Limang taon na ang nakakaraan nang may naglalangis sa Partido ng Pangulo ang nagpanukalang bulagin at putulan ng mga braso‘t hita ang mga pusher, runner, snatcher, holdaper, at akyatbahay nang hindi makapagtulak at makapagnakaw. Hindi pa naibababa ang kahatulan, kabikabila na ang mga insidente ng pambubulag at pamumutol ng mga braso‘t hita. Libo-libo kada linggo sa lahat ng sulok ng bansa. Nilangaw sa mga tambakan ang mga putol na bahagi ng katawan. Lumutang ang iba pa sa mga estero‘t ilog. Ginawang pataba sa lupa… pakain sa alagang hayop. Ngayong nalalapit ang pambansang eleksyon, tinahi ang bibig ng mga nagbubulunga‘t maiingay.
By Mark Anthony Angeles
Si Mark Anthony Angeles ay isang full-time instructor sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon ng Unibersidad ng Santo Tomas. Kasama sa mga aklat niya ang Kuwento ng Dalawang Lungsod, isang salin sa Filipino ng A Tale of Two Cities ni Charles Dickens, na inilathala ng Komisyon sa Wikang Filipino at National Commission for Culture and the Arts noong 2018. Ang kaniyang kontribusyon ay ang huling tatlong dagli sa kaniyang Ang Huling Emotero, isang koleksiyon ng 144 dagli at isang kritikal na papel na tumalunton sa kasaysayan ng nasabing katutubong anyo sa bansa. Inilathala ito ng University of the Philippines Press noong 2021.