Leo Baltar
-
Akó/Akò
Ang kasaysayan ng bakla ay kasaysayan ng pagtatanggi. Hindi ko ito maitatanggi. May pitong taong ako, Walang malay sa posibilidad ng daigdig, wala pang hinagap Sa lohika ng mga lalaki; ang sabi ng angkol, sunda-sundaluhan At baril-barilan ang laro ng tunay na matitikas. Para akong pinaltik noon sa dibdib. Gawa-gawang mitong Pinag-inugan ng musmos kong…
-
Kahel
sapo-sapo ang daigdig sa palad ang bilugang hubog marahang-marahan tinutuklap ang balat na parang alaala hanggang marating ang pinakaubod ang pinakatatago tinatahak ng daliri ang laberinto ng likido hanggang pumailanlang sumaboy ang katas magpasirko-sirko sa isipan hanggang magmantsa mag-iwan ng tinta sa puting damit magmamarka ang seksuwalidad tulad nitong bunga
-
Sa Darating
Sa aking mundo, ang katumbas ng pag-ibig ay pagsuong sa aking balat, sa lawak nitong lahat. Ibig kong sabihin, isang silid ang aking dibdib. Hayaan mong patuluyin kita. Tuklapin ang aking puso, bagtasin ang bawat lalim, bawat babaw. Na para bang binabalikan ang sariling kasaysayan. Sa loob, madaratnan mo ang aking ubod, ang mga nakasalansan…