Kanina iniuwi ng lalaking natipuhan sa jeep
Nagkatitigan ang mga mata
Sabay na bumaba sa Libertad
Ginalugad ang katawan ng isa’t isa
Nagpalitan ng laway, naghalo ang pawis 
Itinakwil ang pigil
Siniil, nilapirot, umibabaw
Hanggang marating ang glorya
Ang ika-siyam na hantungan

Ngayon 
Naglalakad sa kahabaan ng Cabrera
Malamlam ang mga ilaw
Kaytahimik ng gabi
Ulilang tanglaw ang buwan
Nilisan ng mga bituin

Naglalakad akong walang patutunguhan
Kundi malamig na higaan.

*unang nalathala sa Lakbay:Mga Tulang Lagalag ng 7 Eyes Production OPC noong July, 2020


This literary piece is part of Katitikan Issue 4: Queer Writing.

By Paul Joshua Morante

Si Paul Joshua Morante ay mula sa Cabuyao, Laguna at kasalukuyang nagtatrabaho sa isang BPO Company sa Makati. Siya ay kasapi ng Sunday Writing Class, isang komunidad ng mga lokal na manunulat na pinangangasiwaan ni Büm Tenorio ng Philippine Star. Kasapi rin siya ng mga organisasyon na The Storytelling Project at The Red Whistle. Hilig niyang galugarin ang mga silid-aklatan ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.