Manikin

Santo ng mga modista Bestidang paiba-iba tila artista laging tulala Maniking buhay nanlulupaypay lihim na salaysay trabahong nilalamay Walang bibig malayong pagkakatitig naumid na tinig “Sinong makikinig?” Kaniyang nababatid panghahalay ng ganid benepisyong tinipid tahiang naipinid

Santo ng mga modista
Bestidang paiba-iba
tila artista
laging tulala

Maniking buhay
nanlulupaypay
lihim na salaysay
trabahong nilalamay

Walang bibig
malayong pagkakatitig
naumid na tinig
“Sinong makikinig?”

Kaniyang nababatid
panghahalay ng ganid
benepisyong tinipid
tahiang naipinid



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *