June 2021

Katitikan Issue 4: Queer Writing

Introduction

Ang Pagwiwika ng Bakla, Ang Pagbabakla ng Wika
Abner Dormiendo

 

Fiction

A Boy, Inarticulate
John Rey Dave Aquino

Ako
Gilford Doquila

Ang Libro ni Maria
Shinnen Cahandig

Birthday
Daniel C. Geraldez

Bukas Ulit ng Gabi
John Llyod Sabagala

Kumpisal
KC Daniel Inventor

Kung Pwede Lang
Eljay Castro Deldoc

Kuya Macoy
Liane Carlo R. Suelan

Man-og
KC Daniel Inventor

Pag-alala kay Jose Garcia Villa
Eric Abalajon

Paruparo
Jamil R. Figuracion

Sodom at Gomorrah
KC Daniel Inventor

They Don’t End Up Together
Sievney Quidet

Thirdy
Arnold Matencio Valledor

 

Poetry

Aftermath
Kristoff Peralta

Akó/Akò
Leo Cosmiano Baltar

Alagwa
Paul Joshua Morante

Ang mga Soltero sa Bailehan
KC Daniel Inventor

Babae Ako!
Lenard R. Diaz

Dance
Mai Santillan

Dead Chicken
Theo Itchon

Doorknobs
F. Jordan Carnice

Hanggang sa ang Verbo ay Magkatawang-tao
Daryl Pasion

In our Understanding the Self class
Vhinz Dacua

Kahel
Leo Cosmiano Baltar

Kintsugi
Jhio Jan A. Navarro

Kon Wala Imong Letra Sa LGBTQIA
Jan Angelique Dalisay

Monsoon Madness
Leo Fernandez Almero

Muni-muning Pagyakap sa Pagiging Mapag-isa’t Malaya sa Ilalim ng Buwan at Ibabaw ng Kamatayan
John Lloyd Sabagala

Sa Bayo
KC Daniel Inventor

Sa Darating
Leo Cosmiano Baltar

The Garden of Beings
Jan Angelique Dalisay

To Leonard Matlovich
Elvis A. Galasinao Jr.

 

Essay

Maupay (At Mga Katagang Waray na Di Ko Malilimutan)
Raya Martinez

My Other Name
Gilford Doquila

 

Drama

Ganito ang Pinangarap Kong Kasal
Eljay Castro Deldoc

Pigil-Gigil
Andyleen C. Feje

Ang Pagwiwika ng Bakla, Ang Pagbabakla ng Wika

Bagaman madalas nang mabanggit ang terminong ito sa kontemporaneong mga espasyo, matutulos ang “representation” bilang isang pampulitikang kilos mula pa sa panahon ni Aristotle. Kung ang representasyon noo’y mas nakaakma sa panggagagad (mimesis) ng unibersal na kaisipan sa partikular na danas, may kakatwang paggamit ito sa sosyo-politikal na diskurso sa panahon ngayon: ginagamit ang salitang ito upang bigyan ng “espasyo” ang mga marhinalisadong bahagi ng lipunan sa pag-asang makalilikha sila ng pagbabago para sa kanilang sektor, tulad na lamang ng mga kababaihan, ibang lahi, at mga LGBTQ+, mula sa media hanggang sa mga sityo ng kapangyarihan.

Maaari itong maging isang patibong, gayunpaman, na kinahuhulugan madalas maging ng mga institusyong naglalayong maging progresibo. Manipestasyon ito ng malalang panghihimasok  ng neoliberal at kapitalistang sistema sa aktibismo ng marhinalisado, na sa kasong ito’y itutuon ko partikular na sa mga ipinaglalaban ng LGBTQ+. Sa harap ng globalisasyon ng kapitalismo, tinitingnan pa rin ng mga naghaharing-uri ang LGBTQ+ bilang merkado at/o lakas-paggawa lamang. Ang pagiging “visible” ng mga LGBTQ+ ay bilang mga “‘target groups’, ‘recipients’ at ‘beneficiaries’” ng mga programa’t tulong pangkaunlaran.1 At sa pamamagitan ng paglikha ng mga “espasyo” upang makilahok ang LGBTQ+ sa pandaigdigang merkado—mula sa pagkakaroon ng “inclusive” na pook-trabahuhan hanggang sa, hayun nga, representasyon nila sa media—tila baga nabibigyan ng boses ang mga LGBTQ+ na napakatagal nang iniaalis sa kanila. Ngunit isa lamang itong ilusyon, pakonsuwelo-de-bobo ngayong nakikita na ng burukrata-kapitalista ang grupo bilang asset at hindi (na) liability. Samantala sa ibang dako ng mundo kung saan nananaig pa rin ang konserbatibong anti-LGBTQ+ na pananaw, iginigiit ng “homocapitalism” ang kanilang lohika sa pamamagitan ng panggigipit sa kanila sa ilalim ng nosyon na ang pagpigil sa mga LGBTQ+ na makilahok sa paggawa ay nakasasakit sa ekonomiya.2 Ang anggulo pa rin, kumbaga, ay na kapaki-pakinabang lamang ang LGBTQ+ kung nakikilahok ito sa kapitalismo.

Read More

Thirdy

MATUWA nga kaya kung ako’y magtapat

Tanggapin n’ya kayang sa dibdib maluwag

Na ang daliri ko’y tumitikwas-tikwas

At pakendeng-kendeng sa aking paglakad?

NAHILING niya kay Lord na sana kapag nagtapat siya sa Papa niya ay maging katulad ito ni Bes na tuwang-tuwa sa kanya. Na kapag nagsasayaw siya sa sala ay sumasabay ito sa kanya. Pumipitik-pitik ang mga paa nito kapag tumitikwas at pumipila-pilantik ang mga daliri niya. Kumekendeng-kendeng din kasabay ang buntot na pinaiikot-ikot kapag kumekendeng-kendeng siya. Gumigiling-giling din kapag gumigiling-giling siya. Gumugulong-gulong din kapag gumugulong-gulong siya. At kapag sumisigaw-sigaw siya, ngumingiyaw-ngiyaw naman ito. Na ikatitigil lamang nilang pareho kasabay nang pagpapakalong nito sa kanya kapag bumubukas na ang gate nilang bakal. 

Nagtatrabaho ang Papa niya sa kanilang munisipyo bilang ingat-yaman. Hinahatid-sundo siya nito sa kanilang eskwelahan. Kapag may abiso ang kanilang adviser na walang pasok dahil may dadaluhang seminar, may staff conference, may LAC session, magho-host ang school sa isang municipal, zonal o division activity ay tuwang-tuwa siya dahil makapagsasayaw siya nang buong laya sa kanilang sala, lalo na kapag umuwi na si Nang Maria matapos nitong maglaba at magsampay, at magluto ng pananghalian nilang mag-ama. Gayundin kapag Sabado at Linggo, kapag nasa bundok ang kanyang Papa at binibisita ang nagbubulay ng abaka o di kaya’y kapag nasa bukid ito at binibisita ang palayan nila. 

Read More

They Don’t End Up Together

i.

You meet Cecilia at the open bar behind the large red bookstore on Mango, as all young adult horror stories go. Simon motions her forward towards you with the front of his ‘baby bump’, as he jokingly calls it, against her back. “Late na pud ka! Ana biya ko seven-thirty,” Simon says as he pulls her to the high metal table you were all convened at together. Her hair sways from side to side at the light force, across the middle of her back like a broom. you wonder if the way it looks is a product of rebond or not. “Si kuan diay, guys, Celia,” says Simon with his chest, and you pray that the way his eyes travel from you to her then back at you aren’t a hint of some nefarious gay plan as he says, “Celia, si I—” 

The strobe lights flashing all over the place are barely helpful like the surely-not-roofied drinks they serve, and the generic inspired-by-the-Chainsmokers-but-reloaded music they play that straight people eat up. At least you can see she has big wide eyes, framed by thick winged eyeliner and perfectly arched eyebrows, with her lips colored in a dark lipstick that changes color depending on the hue of the lights at the second—pink, blue, orange, pink, blue…

Read More

Paruparo

[Pagsipsip ng Nektar]

Madaling-araw na pero nananatili kaming naghahanap ng matutulugan at matitigilan nang matagal. Lasing na naman ako kasama ang isang taong nakainuman ko sa The Site, isang inumang pangmasa sa Binangonan. Marco P. ang pangalan niya. Nagtanong kami sa may Family House, isang hotel sa may Pag-asa, ngunit puno na daw ang lahat ng kwarto. Naglakad pa ulit kami hanggang sa nakapunta kami sa may gilid ng Atelier. Tamang-tama at walang nakakakilala sa amin dito dahil pareho kaming taga-Binangonan. Pumasok kami sa loob at nagtanong kung magkano ang 6 hours. Tamang-tama rin at may natira pang isang libo sa wallet ko. Pambayad sa kwarto at ang sukli, pambayad kay Marco. 

Sanay na ako sa ganitong mga kalakaran. Kapag nalalasing, humahanap ng laman. Para akong manananggal na hindi mapakali at kailangang lumipad nang lumipad hanggang sa makatagpo ako ng mabibiktima. Siguro nga, manananggal ako. Salamat at may kaibigan akong baklang kagawad, isang dating manananggal na ang mga biktima ay kabataan. Hindi maaaring mawala sa aking bulsa ang mga nakabalot sa foil na galing sa center. Isang box ng condom. Tatlong piraso para sa isang linggo. Maigi na ang sigurado.

Read More