Philippine Literature in Filipino

Basahin ang mga maikling kuwento, tula, at sanaysay na nailathala sa Katitikan – Literary Journal of the Philippine South.


  • Ang Hiniling Ko’y Umulan

    Noon, ang mga ninuno nati’y nagdarasalkay Bathala kapag mayroong matinding tagtuyoto unos na gumagambala sa nayon;kaya’t nag-alay sila nang mga awit at sayawsa buwan, mga puno’t araw upang masiguradongmaliligtas ang kanilang buong siyudadlaban sa mga sakuna. Taos-puso silang nagtiwalasa mga agam-agam at hindi nakikita –sa mga elemento’t haka-hakangwalang kasiguraduhanang kapayapaan. Ngayon, patuloy kaming umaasana maisasalba…

  • Badjao

    Binuksan ng isang Badjao ang de-latang sardinas, umagos mula rito ang Dagat Sulu.

  • Katayan sa Palihan

    i. Hindi makapaniwala si Belai nang matanggap ang kanyang mga tula sa kauna-unahang Amanda Pahina National Writers Workshop para sa mga baguhang manunulat. Isang linggo bago ang ng pagsisimula ng palihan, nakahanda na ang lahat ng kanyang dadalhin sa Maynila. Nakasilid sa isang malaking bayong ang mga sumusunod: limang blusang kulay-itim, banig na may kakaibang…

  • Manananggal

    Bagong taon nanganganak ang isang manananggal ngunit ipinatawag siya sa pabrika ng telang pinagtatrabahuhan. Iniwan ang kalahating humihilab sa bahay upang mag-labor at ang bahaging itaas niya ang siyang nag-overtime.  

  • Pulubi

    Sinilip ng pulubi ang basong lalagyan ng nalimos. Sa loob, nakita niya ang ulo ni Rizal, dumudugo at bagong pugot.