Makinang de Pedal

Malaking gulong, maliit na gulong dapat pabulong galit na dagundong Bakal ay kinakalawang palad na magaspang ngalay na balakang lubog sa utang Makinang de pedal modistang sinasakal kaluluwang isinakdal masa ang nagluwal Ganid na higante pasan ng mga pesante malabong mga lente “Kailan tayo aabante?”

Malaking gulong,
maliit na gulong
dapat pabulong
galit na dagundong

Bakal ay kinakalawang
palad na magaspang
ngalay na balakang
lubog sa utang

Makinang de pedal
modistang sinasakal
kaluluwang isinakdal
masa ang nagluwal

Ganid na higante
pasan ng mga pesante
malabong mga lente
“Kailan tayo aabante?”



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *