Maupay (At Mga Katagang Waray na Di Ko Malilimutan)
- Maupay nga aga (kulop o gab-i) – magandang umaga, hapon o gabi.
Magiliw ang wastong kataga.
Madalas tayong magpalitan ng mga “maupay” – sa umaga o gabi – depende sa iyong kagustuhang sumagot. “Maupay man,” ang tugon sa kumustahan. Mabuti naman.
Madalas kong tingnan ang cellphone ko. Palagian kong ina-unlock, sakaling may nakaligtaan akong text mo. Kung babatiin mo rin ba ako ng maupay na kung isulat mo ay “maupai”. Kung sasagutin mo ako ng okey na kung isulat mo ay “uki po.” Madalas din akong nagpapanggap na may itatanong o hihinging pabor – paki-salin mo naman ito sa Waray; may maitutulong ba ako sa inaayos niyong papel? Sasamahan ko ba si Alice bukas sa miting niyo? Mga palusot para lang mapahaba ang usapan natin sa text.
Read More