Nagmula sa lunsod ng Taguig si Mark Andy Pedere. Ang kaniyang panulat ay pangunahing umiikot sa mga paksang pampersonal patungong panlipunan: naratibo ng kabaklaan, karanasan sa looban, at mga absurdong eksena mula sa pakikipagsapalaran sa urban. Ilan sa mga akda niya ay mababasa sa Entrada, Agwat-Hilom 2, TLDTD Journal, Voice & Verse Poetry Magazine, at iba pa. Nagwagi siya sa ilang pambansang patimpalak at naging fellow ng Palihang Rogelio Sicat at Virgin Labfest Writing Fellowship Program. Kasalukuyan siyang mag-aaral ng Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Ilan sa mga interes niya ay ang mga sumusunod: film, folklore, media studies, gender & identity, at urbanhood.
TAUHAN DADO – 23 taong gulang, baguhang troll, fresh grad, cum laude JOJO – 25 taong gulang, troll/tech guy, nagrekrut kay DADO TAGPUAN Sa isang maliit…